Tuesday , November 12 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Barangay kagawad sa Maynila tiklo sa droga
Barangay kagawad sa Maynila tiklo sa droga

Barangay kagawad sa Maynila tiklo sa droga

ARESTADO ang isang barangay kagawad sa buy bust operation ng mga tauhan ng MPD-PS 4 nang mahulihan ng ilegal na droga.

Kinilala ang suspek na si Marius Alquiroz, kagawad sa Barangay 438 Zone 44, Sampaloc, Maynila.

Dakong 9:00 am nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba laban sa suspek sa Marzan St., pagitan ng Firmeza at Hondradez streets sa nasabing lugar.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Station 4 chief, P/Capt. Edwin Fuggan, tatlong sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa suspek dahilan upang siya ay maharap sa ka­song paglabag sa Com­prehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top