Monday , July 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres, ‘di raw gumagamit ng deodorant, pero nag-eendoso
Aktres, ‘di raw gumagamit ng deodorant, pero nag-eendoso

Aktres, ‘di raw gumagamit ng deodorant, pero nag-eendoso

KINAIN din ng aktres na ito ang kanyang nakamulatang salita na hinding-hindi siya gagamit ng anumang deodorant sa buong buhay niya.

Para sa impormasyon ng marami, mahigpit kasing ipinagbabawal ng kanyang ama kahit noong maliit pa siya ang gumamit ng produkto para sa kili-kili.

Katwiran ng ama, may halong kemikal daw kasi ang mga deodorant. Ito rin ang utos ng fadir sa aktres na kapatid ng aktres na bida sa kuwentong ito.

Pero totoong nagbabago pala ang pananaw ng isang tao kapag kumalansing na ang pera.

Dahil may pangalan na rin kasi ang aktres sa showbiz kaya inalok siya ng isang manufacturing company na mag-endoso ng deodorant na isa sa mga produkto nito.

Todo-bigay nga ang aktres sa nilabasang TV commercial nito, na ewan nga lang kung totoong ginagamit niya ang deodorant dahil nga banned ito sa kanilang bahay.

Da who ang aktres na ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Alice Loyzaga.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top