Monday , November 17 2025

Rush hour commute challenge gagawin ngayon ni Panelo

TINIYAK ni Presiden­tial Spokesman Salva­dor Panelo na wala siyang isasamang body­guard o alalay sa pag­tang­gap ng commute challenge ng mga mili­tanteng grupo ngayong araw.

Ayon kay Panelo, mag-isa lamang siyang magpupunta sa LRT para maranasan ang kalbaryo ng mga ordinaryong pa­sa­hero.

Ngunit hindi niya tinukoy kung saan parti­kular na lugar o kung anong oras siya sasakay ng LRT pero gagawin daw niya ito sa rush hour.

Base sa hamon ni Bayan secretary general Renato Reyes, dapat sumakay si Panelo ng LRT sa rush hour o sa kasag­sagan ng pagdagsa ng mga pasahero.

Paliwanag ni Panelo, isang kahibangan o silly challenge ang ginawa ng militanteng grupo na kanya namang pinatulan o silly acceptance.

Pakikisimpatya ani­ya sa kalbaryo ng mga pasahero ang kanyang pagpatol sa hamon na commute challenge at wala siyang ibang nais patunayan.

Nag-ugat ang com­mute challenge nang itanggi ni Panelo ang pahayag ng mga mili­tanteng grupo na may nararanasang mass transport crisis sa Metro Manila.

(ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …