Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bioessence, binabalik-balikan ng Miss Earth candidates
Bioessence, binabalik-balikan ng Miss Earth candidates

Bioessence, binabalik-balikan ng Miss Earth candidates

ILANG beses na kaming nakadalo sa opening ng Bioessence at napansin naming laging mga kandidata ng Miss Earth ang special guest nila. Ang dahilan, good relationship and quality service.

Ito ang ipinagmamalaki rin sa amin ng COO ng Bioessence, si Joseph Feliciano, na ang magandang relasyon nila maging sa kanilang mga kliyente kaya’t binabalik-balikan sila.

“It’s a very family atmosphere. Specially the one’s na matagal na sa amin, they would always say, kasi nakakausap ko sila, at siyempre naibibigay namin ang magandang serbisyo, good quality service. Pero more than that, the relationship that they have with the people. A lot of them saying, it’s like their second home.

“And we have a clients na for more than, as old as the branch. I think they are with us for 10 to 15 years and it’s more of a relationship really,” giit ni Feliciano.

More than 15 years na ang Bioessence SM Bacoor na nagsimula lang  sa 10 beds hanggang sa lumaki na ng lumaki.

Sa reopening ng kanilang branch, sinabi pa ni Feliciano na ang SM Bacoor branch ang isa sa mga nauna at pinakamalaking branch. Ang ilan pa sa malalaki nilang branch ay ang South Mall, Makati, Davao (main branch), at CDO.

“Next year ire-rebuild naming ‘yung nasa Davao at bubuksan na rin ang Ayala North Exchange branch bago magtapos ang taong 2019,” pagbabalita pa ni Feliciano.

Sa mga clinic nila ay kapansin-pansin ang touch ng Filipino culture dahil, ani Feliciano, “We really would like to promote Filipino culture. Lalo na ang Mindanaoan na roon kami nag-umpisa.”

Sa reopening ng Bioessence, dumalo ang mga Miss Earth 2019 candidates na sina Ms Poland-Krystyna Sokolowska; Ms Russia-Anyta Baksheeva; Ms US Virgin Islands-Talisha White; Ms Nigeria-Susan Garland; Ms Hailand-Teeyapar Sretsirisuvama; at Ms Argentina- Florencia Baretof.

Ipinagmamalaki pa ni Joseph na ang facial ang isa sa maganda nilang service. “Bioessence is really known for facial. We have slimming and spa services. Pero marami talaga facial. I would say more than 70 percent of our client ang ipinagagawa nila is facial treatment. Actually not only facial more of skin treatments in general.

“We also make it a point na once or thrice a year may inilo-launch din kaming treatment. The latest is the Kahilom facial where we are using the plasma machine, microneedling treatment. And the most popular is the Oxygen treatment. Although it’s not new, na-launch namin ito two years ago pa yata, pero ito ‘yung gustong-gusto ng client kasi it’s all in one.

“We have the fusion there, RF, basically a lot of machine put in that treatment. Kumbaga, ito ‘yung pinakasulit.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top