Sunday , December 15 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Vendor bulagta sa boga
Vendor bulagta sa boga

Vendor bulagta sa boga

UTAS ang isang vendor nang barilin sa ulo ng hindi kilalang lalaki habang naglalakad sa bisinidad ng Commonwealth Market sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ay napatay ay kinilalang si Eric Banasel, 22 anyos, vendor, nakatira sa palengke.

Sa imbestigasyon, dakong 5:00 am, kahapon nang maganap ang insi­dente sa palengke na matatagpuan sa Com­monwealth Avenue, Brgy. Commonwealth, QC.

Naglalakad ang biktima nang lapitan siya ng suspek at saka binaril sa tagiliran.

Para makaseguro ang gunman na patay na si Banasel, kanya pang binaril sa ulo bago tumakas.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa vendor.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top