Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Turo-turo ba ang solusyon ng palasyo sa palpak na mass transportation system?
Turo-turo ba ang solusyon ng palasyo sa palpak na mass transportation system?

Turo-turo ba ang solusyon ng palasyo sa palpak na mass transportation system?

KUNG hindi kayang harapin ang katotohanan at tunay na problema, tiyak na hindi mareresolba ang ‘krisis’ sa mass transportation system.

Sa totoo lang, mayroon ngang Buil, Build, Build program, ang administrasyong Duterte, pero sa lahat ng ‘yan maliban sa pagbuhay ng perokaril sa north at south Luzon, at MRT 7, wala na tayong ibang makitang mass transportation na sila ay ide-develop.

Ang lahat ng ginagawang kalsada o skyway ay magsisilbi para sa private transport at business sector.

Ang EDSA na dinaraanan ng mga bus, UV Express at iba pang public transport ay gusto pang ibigay sa private sector.

Idagdag pa natin ang attitude ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang lahat ng kapalpakan ay isinisisi sa mga nagdaaang administrasyon.

Wattafak!

Tatlong taon na po ang bagong administrasyon, hanggang ngayon ba ay wala pa kayong nakitang solusyon kung paano aayusin ang palpak na mass transport system?!

Kailangan bang masira o masunog muna ang spare parts bago umangkat?! Wala bang naka-stock na spare parts ang LRTA?!

E ano palang ginagawa ng mga pinasusuweldong opisyal ng LRTA kung tuwing magkakaproblema gaya ng pagkasunog ng rectifier ay kailangan pang maghintay ng siyam na buwan bago makapag-opearte ulit?!

Ano ba ang ginagawa ng mga opisyal ng LRTA?! Pakuya-kuyakoy sa malamig na opisina at painom-inom ng Blue Label?!

Arayku!

Kung ganyan ang opisyal ng LRTA, huwag na tayong umasa na iigi pa ang kalagayan ng LRT.

Attention Secretary Art Tugade!

 

PARAÑAQUE CITY MAYOR
EDWIN OLIVAREZ DAPAT
TULARAN SA PAGLALAAN
NG ALLOWANCE SA HIGH
SCHOOL STUDENTS

BILIB tayo kay Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque City.

Ang mga high school student sa lungosd ay nakatatanggap ng P500 allowance mula sa kanyang tanggapan.

At hindi na po kailangan pumila ang mga estudyante dahil may ATM na rin sila.

Hindi na daraan sa kamay ng kung sino-sino na puwedeng ‘ibulsa’ o kaya ay pagtubuan pa bago makarating sa mga benepisaryo.

‘Yan siguro ang dapat gayahin ni Mayor Isko ng Maynila.

Hindi lang senior citizens ang dapat bigyan ng allowance kundi maging ang mga nangangailangang high school students.

Mabuhay ka Mayor Olivarez!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top