Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Purisima, Petrasanta humarap sa senado
Purisima, Petrasanta humarap sa senado

Purisima, Petrasanta humarap sa senado

KABILANG  sina dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at dating Police Regional Office 3 chief Raul Petrasanta sa mga dumalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senado hinggil sa ‘ninja cops.’

Bahagi ng naging testimonya ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na si Purisima ang nag-utos sa kaniya para imbestigahan ang mga pulis ng Pampanga na nagsagawa ng operasyon kontra ilegal na droga dahil nakitaan sila ng kakaibang pamumuhay matapos ang operasyon kasama na ang pagkakaroon ng SUVs.

Si Purisima ang PNP chief nang mangyari ang kontrobersiyal na buy bust operation sa Pampanga noong Nobyembre 2013.

Si Petrasanta ang nag-utos noong 2014 na masibak ang 13 Pampanga police na sangkot sa buy bust.

Ang nasabing mga pulis ay tauhan ni PNP chief Oscar Albayalde na noon ay Pampanga police director.

Muli rin dumalo sa pagdinig ngayong araw si Albayalde.

Samantala si SPO1 Ronald Bayas Santos na isa sa 13 tinaguriang ‘ninja cops’ ay ipinaaaresto ng senado.

Kasunod ng pagpapataw ng contempt ng senado kay  SPO1 Ronald Bayas Santos – ang isa sa 13 tinaguriang ‘ninja cops’ na sangkot sa kontrobersiyal na buy bust sa Pampanga.

Iniutos rin ni Senator Richard Gordon ang pag-aresto kay Santos.

Ito ay dahil sa paulit-ulit pagtangging sumipot sa pagdinig ng senado tungkol sa ‘ninja cops.’

Si Santos ay ilang beses nang pinadalhan ng subpeona ng Senate Blue Ribbon Committee para humarap sa pagdinig. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top