Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / FDCP, inilunsad ang Film Philippines Location Incentives sa Busan Film Market
FDCP, inilunsad ang Film Philippines Location Incentives sa Busan Film Market

FDCP, inilunsad ang Film Philippines Location Incentives sa Busan Film Market

DALAWANG bagong film incentives ang inilunsad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para hikayatin ang international film productions na mag-shoot at magtrabaho sa Pilipinas, sa annual Philippine Cinema Night sa Busan International Film Festival (BIFF) na ginanap noong Oktubre 6 sa Haeundae Rooftop Bar. Ang incentive program ay isinapubliko sa welcome reception sa Asian Film Market noong Oktubre 5.

Sa ilalim ng FilmPhilippines, ginawa ang location incentive schemes para magbigay ng isang holistic experience habang nagsu-shoot sa bansa, pati na rin ng financial support sa international productions at co-productions na may Filipino producers na gagastos ng hindi bababa sa P8-M ($154,000 USD) sa Pilipinas para sa production at post-production ng pelikula. Ang mga programang ito ang isa sa mga hakbang ng FDCP para tulungang maging global ang audiovisual industry. Kaakibat din ng mga programa ang Let’s Create Together campaign ng FDCP na ibinibida ang Pilipinas bilang isang bansa na may industriyang bukas sa pagpo-produce ng makabuluhan, nakalilibang, at magandang content.

Ang full feature films sa kahit anong genre at format—live action, documentary, animation, short films, television series, at web content series o content para sa alternative distribution platforms—na nakikipagtulungan sa isang duly-registered Philippine line producer ay maaaring mag-apply para sa Film Location Incentive Program (FLIP).

Para naman sa International Co-Production Fund (ICOF), maaaring mag-apply ang Filipino feature film projects sa kahit anong format na may international co-production.

Qualified din sa pag-aplay para sa incentives ang projects sa kahit anong stage—pre-production, production, or post-production—na may minimum production expenditure na P8-M ($155,000 USD) sa Pilipinas.

Kapag naaprubahan na, isang cash rebate mula 10% hanggang 40% ng qualifying production costs na nagkakahalaga ng hanggang P10-M  ($193,000 USD) ang puwedeng i-avail sa pamamagitan ng FLIP o ICOF.

Kabilang sa eligible spend para sa incentive schemes ang artist at technician fees, equipment rental, crew, film permits, accommodation, transport, at food expenses na nagastos sa Pilipinas.

Bukas ang aplikasyon para sa incentive schemes simula Enero 2020.

“There is no better way to underscore the celebration of the One Hundred Years of Philippine Cinema than to finally give our Filipino filmmakers and the Philippines the leverage that it needs to be globally competitive,” ani FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Samantala, excited din si Dino sa incentive schemes. Aniya, “I’m excited to share this with the world because we have been lobbying for this since I started my term as head of this agency. I believe Busan is the perfect platform to launch this exciting program.” Sa pamamagitan ng mga programang ito, inaasahan ng FDCP ang isang heightened artistic at technical exchange sa mga Filipino film worker at film professionals mula sa iba’t ibang panig ng mundo, pati na rin ang pagtaas ng tourism revenues at business investments ilang buwan pagkatapos ang paglulunsad ng incentive programs.

Pinangunahan ng FDCP ang malaking Filipino delegation ngayong taon sa Busan IFF at AFM sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng ika-Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino. Humigit-kumulang 95 Filipino delegates ang lumahok sa iba’t ibang events sa BIFF, kabilang na rito ang 16 film companies sa AFM, anim na Filipino films sa BIFF, tatlong projects sa Asian Project Market, tatlong projects sa Asian Film Commissions Network (AFCNet) Cine-Link of ASIA, isang project sa FLY Film Lab, at apat na delegates sa Platform BUSAN. Mayroon ding Filipino delegates sa Asian Film Academy at government delegates sa iba’t ibang mga ahensiya na nagsusulong sa audiovisual industry.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top