Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 16 arestado sa buy bust sa Valenzuela
16 arestado sa buy bust sa Valenzuela

16 arestado sa buy bust sa Valenzuela

LABING-ANIM na hinihinalang drug personalities ang naaresto sa isinagawang magkaka­hiwalay na drug buy bust operation ng pulisya sa Valen­zuela City.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces, dakong 2:45 am kamakalawa nang masakote ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Segun­dino Bulan, Jr., si Billy Abad, 39 anyos, at Elmer Martin, 46 anyos, matapos magbenta ng isang sachet ng shabu sa isang police poseur-buyer kapalit ng P200 marked money sa loob ng Clemente Compound, Brgy. Gen. T. De Leon.

Ani Gaces, nadiskubre ang bahay ni Martin sa #3613 Clemente Compound ay ginagamit na drug den matapos maaktohang nagsa-shabu si Luis Calisaan, 46, Dexter Tamaña, 43, Jackson Palos, 41, at Mark Lagansua, 42, sa loob ng bahay.

Narekober kay Abad ang dalawa pang plastic sachets ng shabu at buy-bust money na may bahid ng shabu at iba’t ibang drug paraphernalia ang nakuha sa loob ng bahay ni Martin.

Bandang 2:20 am nang madamba ng mga operatiba ng SDEU si Jerald Parungao, 32, at Archie Tolentino, 39, sa buy bust operation sa 34 St. Prince, Sam Villa, Brgy. Malinta habang si Fernando Padasas, 44, Ronell Soriano, 31, at Louie Prospero, 22, ay naaktohang sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay.

Anim na plastic sachet ng shabu, P300 buy bust money at ilang drug paraphernalia ang nakompiska sa mga suspek.

Dakong 8:00 pm nitong Martes nang madakip ng operatiba ng SDEU si Angelo Pabaya, 30, Maritess Bartolome, 31, Oscar Ucsan, 37, Jomar Dominic San Diego, 22, at Arnel Osico, 29, sa buy bust operation sa kanto ng Sabino Alley, Brgy. Maysan at nakompiska sa kanila ang apat na plastic sachets ng shabu at P300 marked money.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top