Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Second edition ng Macho Men mapapanood na sa Eat Bulaga
Second edition ng Macho Men mapapanood na sa Eat Bulaga

Second edition ng Macho Men mapapanood na sa Eat Bulaga

Taong 1980 nang pumatok ang Mr. Macho segment ng Eat Bulaga at inspired ang talent contest na ito ng sikat na disco song ng Village People na “Macho Man.” Year 2007 nang ilunsad naman ng programa ang kanilang “Macho Men” na isa sa mga lumahok ang sikat na ngayong komedyante na si Michael V.

Last September 30, muling napanood ang second edition ng Macho Men na 10 young and talented, good looking and physically fit ang kalahok.

Araw-araw ay tatlong contestant ang maglalaban. Pero sino kaya sa tatlong pambato mong Macho Man ngayong Sabado ang magwawagi? Ang construction worker ba, ang magician, ang Hawaiian hunk, ang rockstar, ang football player o ang cowboy?

Edz, Macho Man ng Taguig; Mhack, Macho Man ng Manila; Jser, Macho Man ng Camarines Sur; Paolo, Macho Man ng Cavite; Joco, Macho Man ng Bulacan; at Czack, Macho Man ng Quezon City.

Ang tatanghaling Grand winner sa grand finals ay pasok na sa Tatak Eat Bulaga Grand Showdown kasama ang iba pang grand winners.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top