Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Isetann mall walang business permit, nanganganib ipasara
Isetann mall walang business permit, nanganganib ipasara

Isetann mall walang business permit, nanganganib ipasara

POSIBLENG ipasara ang Isetann mall matapos matuklasang walang permit ang operator nito.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kailangan magpaliwanag ang management kung bakit ang operator nito, walang mga kaukulang permit.

Ito ang inihayag ng alkalde sa isang tala­kayan matapos siyang sabihan ng Bureau of Per­mits na ang Trans Orient Management Company, ang operator ng Isetann Mall, ay walang business permit ngayong 2019 hindi tulad noong mga nakaraang taon.

Matatandaan, sunod-sunod na pagsalakay ang ginawa ng mga awto­ridad bunsod ng illegal gambling at mga stalls na bumibili ng nakaw na cellphone sa loob ng mall.

Ito ang naging dahi­lan upang busisiin ang mga kaukulang doku­mento hanggang matuk­lasang na walang busi­ness permit ngayong taon.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top