Tuesday , September 23 2025
Tito Sotto
Tito Sotto

Bagong ‘pasabog’ sa ‘Ninja cops’ tiniyak ni Sotto

KAABANG-ABANG  ang mangyayaring deve­lop­­ment sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa recycling ng ilegal na droga.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mayroon umanong pasabog na mangyayari sa Senate hearing ngayong araw ng Miyerkoles.

“I don’t know if I’m at liberty to tell you… that is really something explosive again,” wika ni Sotto.

Sinabi ni Sotto, mayroong mga bagong ebidensiya at mga bagong testigo na ihaharap nga­yong araw dahil mayroon siyang nilagdaang siyam na subpoena kamaka­lawa ng gabi.

“I think there will be new evidences and one or two witnesses. New evidences for sure because I signed about nine subpoenas last night,” sabi ni Sotto.

Ngayong araw nakatakdang ituloy ang joint hearing ng Senate blue ribbon at justice committee hinggil sa isyu ng ‘ninja cops’ na nagre-recycle umano ng mga drogang nasasabat sa drug operations.

Nagsimula ang imbestigasyon ng Senado sa maagang pagpapalaya sa heinous crime convicts dahil sa good conduct time allowance na ibini­bigay umano ng mga tiwaling opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

(CYNTHIA MARTIN)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

bagyo

Super Typhoon Nando lalong lumakas; klase, pasok sa gobyerno suspendido

IDINEKLARA ng Malacañang ang suspensiyon ng mga klase at pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan …

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang hindi bababa sa 72 indibiduwal …

Celebrites Rally Protest

Entertainment sector lumahok sa protesta vs multi-trilyong korupsiyon

BUKOD sa sektor ng mga relihiyoso, lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang malawakang …

Protest Rally

Sa P3-trilyong anomalya sa flood control projects
MALAWAKANG PROTESTA ‘BUMAHA’ SA BUONG BANSA

LIBO-LIBONG indibiduwal ang nagtipon-tipon sa EDSA People Power Monument nitong Linggo, 21 Setyembre, bilang protesta …

Bulacan Police PNP

3 MWP tiklo sa Bulacan

ARESTADO ang tatlong indibidwal pawang may pinaghahanap ng batas at may kinakaharap na mga kasong …