Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Amalia, pinalakpakan habang inihahatid sa sementeryo
Amalia, pinalakpakan habang inihahatid sa sementeryo

Amalia, pinalakpakan habang inihahatid sa sementeryo

INIHATID na sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Marikina ang labi ng aktres at movie queen na si Amalia Fuentes. Naroroon ang mga miyembro ng kanyang pamilya, at maraming mga kaibigan.

Ang nakatatawag ng pansin ay iyong mga tao sa may labas ng Loyola, dahil noong papasok na sa sementeryo ang karong nagdadala ng labi ng aktres, ang mga taong nakatayo sa paligid ay nagpalakpakan. Huling applause. Huling respeto para sa isang iginagalang na aktres.

Hanggang sa mga huling sandali, kahit na matagal na siyang hindi gumagawa ng pelikula, naroroon pa rin ang paghanga ng mga tao sa kanya, na marahil ang iba ay hindi na nga napanood ang pelikula niya, pero naging mga tagahanga pa rin.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top