Friday , April 19 2024
Butt Puwet Hand hipo

Kolehiyalang angkas dinalirot, TNVS driver naghihimas na ng rehas

PAGKATAPOS huma­plos at dumalirot ng 22-anyos kolehiyala, nauwi sa paghimas ng rehas na bakal ang isang Angkas driver matapos ares­tohin ng mga barangay tanod saka ipinasa sa pulisya sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Cipriano Galanida, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Anonas Police Station 9, ang inarestong Angkas driver na si Herbert  Teves, may-asawa, at residente sa Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Sa pahayag ng bik­timang itinago sa pa­nga­lang Amihan, 22, ang pangmomolestiya ay naganap dakong 9:00 pm nitong Sabado, 5 Oktubre, sa kahabaan ng C.P. Garcia Ave., UP Dili­man, Brgy. UP Campus, QC.

Nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa Project 6, at nang magpasyang umuwi ay nagpa-book sa Angkas App.

Ngunit habang sakay ng Angkas at nang maamoy ng driver na nakainom ang biktima, pansamantalang inihinto ng suspek ang motorsiklo sa madilim na bahagi ng C.P. Garcia Ave., saka ipinasok ng suspek ang kanyang kamay sa under­wear ng dalaga at hina­wakan ang kaselanan nito.

Sa takot ay hindi nag-react ang kolehiyala hang­gang muling paandarin ng suspek ang motor at pagdating sa MiniStop Store sa Katipunan ay hinipuan na naman sa legs ang biktima.

Hindi pa rin nag-react ang biktima dahil sa takot pero nang makarating sila malapit sa tahanan ng biktima ay saka humingi ng saklolo ang dalaga sa mga ta­nod sa Barangay Ba­gum­bayan na kinilalang sina Francis Weavering, Arnel Galang, Reynaldo Uso at inaresto ang Angkas driver.

Agad ipinasa ng mga tanod sa Anonas Police Station ang suspek at inihahanda na ang kasong acts of lasciviousness laban sa suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *