Friday , July 10 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Putin walang Crackdown vs Pinoys sa Russia

Putin walang Crackdown vs Pinoys sa Russia

GINARANTIYAHAN ni Russian President Vladimir Putin kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maglulunsad ng crackdown ang kanyang pamahalaan laban sa undocumented Pinoy workers.

“Secretary Bello is working on an agreement na kayong nandito staying — overstaying or have had problems, there will be — they will be covered with an under­standing,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino com­munity sa Russia kama­kalawa ng gabi.

Nanawagan ang Pangulo sa 10,000 Pinoy sa Russia na  maglaan ng oras para i-renew ang kanilang pasaporte at mag-apply para sa kanilang legal status doon.

“Ang aking prayer lang is just abide by the laws of Russia. Sumu­nod lang kayo sa batas at wala tayong pro­blema. So kayo lahat dito 10,000, wala tayong record ng kaloko­han o ano,” aniya.

“I’m pleading na huwag kayong gumawa. Do not do anything that will jeopardize the relation at maging masama ang tingin nila sa atin. Obey the laws. Follow the procedure,” dagdag ng Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top