Wednesday , September 24 2025
pig swine

Bulacan hog trader, nagpuslit ng baboy na may ASF sa Pangasinan

INIULAT ng mga opisyal sa Pangasinan na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang 15 mula sa 60 na baboy na ipinasok sa lalawigan mula sa Bulacan.

Ang naturang paha­yag ay batay sa samples na nakuha sa mga baboy na galing sa bayan ng Bustos.

Nabatid na umiwas ang hog trader sa animal quarantine checkpoint na ipinapatupad sa mga entry points sa probinsiya.

Sinasabing dumaan ang magbababoy sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan dala ang mga baboy mula Bula­can.

Nakarating ang mga baboy sa barangay ng Balo­ling sa bayan ng Mapandan na nagawang makalusot sa quarantine checkpoint.

Upang maiwasan ang pangamba ay idineklara kaagad ng mga opisyal na ground zero ng ASF ang nasabing barangay.

Nagpatupad ng ilang hakbang ang lokal na pamahalaan hanggang 10 kilometro ng barangay para matugunan ang epi­demya.

Ayon sa mga awto­ridad, inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa magbababoy samantala nagsagawa rin ng culling o pagpatay sa mga baboy na may ASF.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …