Monday , December 9 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Tren na biyaheng Sorsogon ikatutuwa ng mga Bikolano
Tren na biyaheng Sorsogon ikatutuwa ng mga Bikolano

Tren na biyaheng Sorsogon ikatutuwa ng mga Bikolano

UMAASA si Rep. Rowena Niña Taduran ng ACT-CIS  Party-list na ang pagbuhay ng tren sa Bikolandia ay magdadala ng pag-unlad sa mga ba­yan na daraanan ng pro­yekto.

Ayon kay Taduran, nagmula sa Iriga City sa Camarines Sur,  ang “test run” na ginawa ng Philip­pine National Railways (PNR) mula Tutuban sa Maynila hanggang sa Naga at Iriga City ay nagbibigay ng pag-asa sa pag-unlad ng ekonomiya at turismo sa Timog Luzon.

Naniniwala rin si Taduran na magbebe­ne­pisyo ang sektor ng agrikiltura sa tren dahil mapadadali ang biyahe ng mga produkto mula sa Bikolandia.

Umapela si Taduran sa gobyerno na sigura­duhing mabibigyan ng karampatang kabayaran ang mga bahay na mada­raanan ng riles ng tren.

“I am appealing to the government to make sure that the families who will be displaced from the construction and the rehabilitation of the 639 kilometer-railroad track will be given appropriate resettlement sites,” ani Taduran.

Aniya aabot sa 85,000 pamilya ang maaapek­tohan habang ginagawa ang riles ng tren.

Nakiusap si Taduran sa gobyerno na bigyan ng trabaho ang mga Filipino sa pagkumpuni ng tren na ang mga Intsik ang may hawak ng proyekto.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top