Tuesday , November 12 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tony, aminado — ‘di po ako boyfriend material
Tony, aminado — ‘di po ako boyfriend material

Tony, aminado — ‘di po ako boyfriend material

IBA naman ang panuntunan sa buhay ni Tony Labrusca dahil as of now ay wala pa rin siyang girlfriend o karelasyon. Ang katwiran kasi ng aktor ay kailangang mahalin muna niya ang sarili at mga mahal niya sa buhay at pagsilbihan.

Aniya, ”Know and love yourself first before you love anybody else. And you know, ang hirap kasi sa industriya natin na I don’t think umabot pa ako sa point na mahal na mahal ko talaga ang sarili ko. For me what God is given me whether in the inside superficially.”

Kaya hindi rin maka-relate si Tony sa tanong kung anong craziest thing na nagawa niya sa love dahil. ”Unfortunately, hindi po ako ganoon. Baka nga po hindi ako boyfriend material o whatever pero. But that doesn’t stop my personality, I don’t think it’s worth using myself just to make someone else feel alone.”

Nabanggit din ng aktor na open-minded siya at gusto niyang maging kaibigan ang lahat ng tao, maging iyon ay gay, lesbian o ano ka pa, ”I love being friends with people from all walks of life and I love accepting them.

“In our world, ang napansin ko, everybody wants to be heard but at the same time, napaka-sensitive na natin, ‘di ba? Everybody has something to say, but when you say that, there’s some people don’t like what you said. But the people who don’t like what you said has also something to say. 

“Naaapektuhan ako na ang feeling ko masyado ng nagiging evil ang world natin. I think social media place a huge part of that. For me, the hate I see online honestly breaks my heart kasi ako bilang open-minded na tao. I just do share same sentiments na for me, I don’t care what my friends are into it, I respect that. 

“So, for me I just wish that people would be a little bit more understanding because everybody wants to be heard, everybody wants to be understood but nobody wants to listen.”

Pero nabanggit ni Tony na okay muna sa kanya ang dating, ”wala munang relasyon.”

Kaya hindi pa rin siya kabilang sa Ang Henerasyong Sumuko sa Love na mapapanood na sa Oktubre 2 in cinemas nationwide mula sa Regal Films.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top