Tuesday , November 12 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Preso patay sa selda
Preso patay sa selda

Preso patay sa selda

NAMATAY ang isang 41-anyos lalaking inmate na sinabing nahirapan makahinga sa loob ng selda ng Manila Police District Sta. Cruz Station (PS3), kahapon ng umaga.

Kinilala ang namatay na inmate na si Richard Espanillo y Marquez, may kasong shoplifting sa SM San Lazaro, at resi­dente sa Dimasalang St., Sampaloc, May­nila.

Ayon sa ulat, dakong 6:30 am nang isugod sa Jose Reyes Memo­rial Medical Center (JRMMC) si Espa­nillo sa reklamong nahihirapang hu­minga.

Dakong 7:01 am nang idekla­rang patay ni Dr. Ma. Azela Riego si Mar­quez.

Nabatid na nakulong sa nasabing presinto si Espanillo at isinailalim sa inquest proceedings noong 16 Agosto 2019 sa Manila Prosecutor’s Office.

Nahirapang umanong huminga si Espanillo habang nakapiit sa selda dahil sa pag-atake ng asthma.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top