Friday , March 29 2024

Ph basic education antas itataas

DALAWANG panu­ka­lang batas ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang nakahain sa Kamara na naglalayong lalo pang itaas ang antas ng Philip­pine basic education sa pandaidigang paman­tayan.

Ang isa, House Bill 311, ay isusulong ang ‘state-of- the art school system,’ at ang panga­lawa, House Bill 304 ay titiyaking maginhawang makapapasok sa mga paaralan ang mga mag-aaral sa liblib na mga pamayanan.

Layunin ng Public Schools of the Future (HB 311) na gawing makabago ang mga silid aralan na mararanasan ng mga mag-aaral ang digital world sa pamamagitan ng pagkakaroon ng laptop computers ang mga nasa Grade 4, 7 at 11, at access sa Internet, para ihanda sila sa mapanirang tek­nolohiya ng ika-4 na ‘industrial revolution.’

Sasailalim sila sa sistemang Read, Read, Read sa elementarya, Write-Write-Write sa hayskul at Math-Math-Math sa lahat ng antas.

Ang ‘Fourth Indus­trial Revolution’ na nagsi­mula na at tinagu­ri­ang Industrial Revolution 4.0, ay tungkol sa ‘digital revolution’ na pinagsa­sama-sama ang iba’t ibang teknolohiya na bumubura sa dating malinaw na pagkakaiba-iba ng mga larangang physical, digital, at biological.

Sa ilalim ng HB 311, ayon kay Salceda, mag-aaral ang mga kabataan sa loob ng mga digital classrooms na kompleto sa mga kagamitang digi­tal para maging katulad din ng mga kabataan sa mayayamang bansa.

Tinatayang sa taong 2025, kalahati ng mga karaniwang ginagawa ngayon ay magiging digital na at 65% ng mga kahusayan ngayon ay mawawalan ng saysay at lalala sa darating na mga taon.

Layunin ng HB 311 na maiwasang mawalan ng trabaho ang mga mang­gagawa ngayon sa dara­ting na panahon sa pama­magitan ng pagbibigay pagkakataon sa mga kabataan na mapasok nila ang makabagong digital na mundo, at matutuhan nila ang mga kahusayang kailangan upang hindi sila mawalan ng pagkakakitaan at silbi.

Layunin ng HB 304 o “Last Mile Schools,” na tiyaking maginhawang makapapasok sa paara­lan ang mga kabataan sa mga liblib, mahirap at magulong mga pama­yanan at tiyaking may maayos na mga kalsada patungong paaralan at “hindi kailanman mako­kompromiso ang buhay ng mga kabataan na kailangang tumawid sa ilog, at maglakbay sa mga gulod na walang kalsada, makapasok lamang sa klase nila.”

Ang “Last Mile Schools” ay mga paaralan sa liblib na mga pamaya­nang malayo sa bayan at kailangang lakbayin nang matagal, may mga apat na silid aralan lamang na wala sa akmang kaayu­san, walang koryente, kulang sa 100 ang mga mag-aaaral na ang kala­hati ay mula sa katutu­bong tribo, at walang ba­gong proyekto o pagba­bago sa nakaraan apat na taon.

Tinatayang may 8,000 “Last Mile Schools” sa bansa ngayon.

Sa ilalim ng HB 304, inaatasan ang Depart­ment of Education (DepEd), Department of Public Works and Highways (DPWH) at the Department of Budget and Management na bumalangkas ng isang roadmap o plano upang mabisang tugunan agad ang naturang suliranin.

Magkatuwang na ipatutupad ng DepEd at DPWH ang balangkas sa loob ng tatlong taon.

“Obligasyon ng estado na protektahan at isulong ang karapatan ng lahat sa makabuluhang edukasyon. Dapat din tiyakin ng estado na natutugunan ang lahat ng mga kailangan ng mga kabataan para sa mahi­nusay nilang edukasyon, kasama ang mga paara­lan at maayos na mga kalsada patungo roon,” giit ni Salceda.

About hataw tabloid

Check Also

Las Piñas Mass Wedding Kasalang Bayan

Sa ika-27 anibersaryo ng Las Piñas
102 COUPLES SABAY-SABAY NA IKINASAL

SA PAGDIRIWANG ng Buwan ng Kababaihan at ika-27 anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod ang Las …

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Acuzar mapang-asar KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

Acuzar mapang-asar  
KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

MAHIGIT 300 informal settler families (ISFs) at civil society organizations (CSOs) ang nagtanghal ng Kalbaryo …

PNVF Volleyball

Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024

MAGSISIMULA ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024 ngayong linggo simula sa Biyernes …

Chasing Tuna in the Ocean

MTRCB ipinagbawal pagpapalabas ng Chasing Tuna in the Ocean 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang desisyong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *