Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagpapatawa ni Empoy, ‘wa na epek
Pagpapatawa ni Empoy, ‘wa na epek

Pagpapatawa ni Empoy, ‘wa na epek

MUKHANG nasasapawan pa ng pag-iibigan nina Lorna Tolentino at Rowel Santiago ang leading stars na sina Coco Martin at Yassi Pressman sa FPJ’s Ang Probinsyano. Sabi nga, mukhang may asim pa ang pag-iibigan nina Rowel at LT.

Imbudong-imbudo nga ang komedyanang si Whitney Tyson dahil alam niyang nagbabait-baitan lang si Lorna na may ilusyong maging first lady ni Rowel.

Kompara naman kasi sa love team nina Coco at Yassi, puro anong lutong ulam gusto ni Coco pag-uwi ng bahay at  nakaaantok daw na parang nagliligawan.

Mabuti na lang at nariyan si Empoy Marquez para magpatawa. Kaso, may mga komentong parang hindi nakatatawa ang paningit na joke ni Empoy. Parang pinipilit daw magpatawa.

Palaisipan sa fans kung liligawan ba ni Coco si Denice Laurel gayung may asawa na siya.

***

BIRTHDAY greetings sa mga September born—Rita Avila, Azenith Briones, Aura Bermudez, Sexbomb girl Butch Roldan, Regine Tolentino, Max Collins, RS Francisco, Ahwel Paz, Mike Magat, Jim Pebangco, Atty. Nick Langit, Rochelle Pangilinan, at Mel Tiangco.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top