Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Beautéderm sa Marquee Mall, dream come true ni Rhea Tan
Beautéderm sa Marquee Mall, dream come true ni Rhea Tan

Beautéderm sa Marquee Mall, dream come true ni Rhea Tan

And speaking of Beautederm, patuloy sa paghataw nito sa, sa pagbago ng maraming buhay, at sa pag-beautéfy ng ‘di mabilang na tao sa grand opening ng flagship store sa second level ng Marquee Mall sa Angeles, Pampanga.

Dumalo sa opening/ribbon cutting ang Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan at si Marian na inilunsad noong nakaraang taon bilang face of Beautéderm Home, na dinaluhan din ng mga loyal customer ng  brand, ng mga reseller, distributors, at mga miyembro ng mainstream press gayundin ng maraming mga tagahanga ng Primetime Queen ng Kapuso Network.

Noong 2009, nagtrabaho si Rhea bilang Vice President for marketing ng isang malaking appliance company. Pinaglaruan niya ang isang creative business idea gamit ang Php3,000. start-up capital. Ang idea na nagsisimula ang kagandahan sa pag-aalaga sa ating mga sarili at kapag ito ay ating ginawa, tayo ay magiging mas malusog at maka­pagpa­pamalas ng kagan­dahan ‘di lamang sa panlabas maging sa panloob.

Kaya naman ipina­nganak ang Beauté­derm Corporation. Sa kagustuhan ni Rhea na i-beautéfy ang bansa “one person at a time” sa pamamagitan ng mga dekalidad na produkto na nagbibigay ng pinakamabilis, pinaka-epektibo, at most sustainable na resulta, na hinaluan pa ng kanyang unwavering commitment sa hard-work at perseverance, at pananampalataya, ang dating simpleng online distribution business ay unti-unting lumaki bilang isa pinakamatagumpay na negosyo na nagsimula sa Angeles, Pampanga.

Mahalaga para sa Beautéderm ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit lamang ng mga plant-based na sangkap na masusing pinagsama-sama para maibigay ang pangako nito na hindi lamang pisikal na kagandahan sa bawat gumagamit ngunit maunlad na buhay din para sa mga reseller at distributors nito.

Isang consistent Superbrands awardee ang Beautéderm. Ilan sa mga flagship brands sa ilalim ng Beautéderm ay ang sikat na sikat na Beautéderm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; perfume collection na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men, at marami pang iba—na lahat ay top-selling products sa merkado.

Sa ngayon, mayroong humigit sa 1,000 resellers at distributors ang Beautéderm dito sa Pilipinas at sa ibang bansa at nagpapadala ito ng mga produkto araw-araw dito at sa abroad sa tulong ng isa sa pinakatanyag na shipping company sa bansa. Mayroon ding physical stores sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang Beautéderm at isa sa Singapore; at mayroong halos 40 brand ambassadors na kinabibilangan ng mga aktor at aktres, TV personalities, mang-aawit, beauty queens,  politiko, comedians, at social media influencers.

Endorser si Marian ng Reverie by Beautéderm Home, isang exquisite line of home scents na kinabibilangan ng mga soy candle, room spray, at linen spray, na lahat ay nilikha ng Beautéderm sa pakikipagtulungan kay Marian upang maging mas komportable ang bawat tahanan.

Sa paglipas ng panahon, naging matalik na magkaibigan sina Rhea at Marian at lumagpas na ang kanilang samahan sa kanilang partnership.

“Bukod sa isa si Marian sa aming mga top celebrity endorsers at ang association niya with the brand ay talagang nakatulong sa pag-boost ng sales ng aming mga produkto, siya rin ay aking pinakamamahal na kaibigan,” ani Rhea. “Masarap katrabaho si Marian at isa rin siya sa sweetest and most caring friend anyone could ever hope for. Proud at grateful at kasama namin siya sa Beautéderm team.”

Si Marian naman ay tuwang-tuwa na maging bahagi ng lumalaking pamilya ng Beautéderm. “I feel blessed at honored din sa tiwala na  ibinigay sa akin I Rei para i-represent ang Beautéderm Home,” sabi ni Marian. “Ang aking partnership sa Beautéderm ay isa sa pinakamaganda at nakatataba ng puso dahil para na kaming magkapatid ni Rei. Pamilya ko na ang buong Beautéderm staff.”

Sa Septyembre 22 (Linggo), 4:00 p.m., sa Marquee Mall, pormal na bubuksan ng Beautéderm ang pinto ng flagship store nito sa publiko sa pamamagitan ng isang grand mall show na pagbibidahan ng pinakamaningning na ambassadors nito gaya ng Face Of Beautéderm na si Sylvia Sanchez; award-winning actresses na sina Glydel Mercado at Lorna Tolentino; young dramatic actors na sina Carlo Aquino, Arjo Atayde, Matt Evans, at Ejay Falcon; young actresses na sina Jane Oineza, Ria Atayde, at Pauline Mendoza; television personality na si Hashtag Ryle; komedyanang si Kitkat; mga veteran actors na sina Ton Ton Gutierrez, Jimwell Stevens, Jestoni Alarcon; mga beauty queens/actresses na sina Sherilyn Reyes, Maricel Morales, at Rochelle Barrameda; social media influencer Darla Sauler; ang batang businessman na si Lance Tan; at veteran character actresses na sina Anne Feo at Shyr Valdez kasama rin sina Alyana Asistio, Kakai Bautista, at Boobay.      

“Ito ay dream come true,” sabi ni Rhea. “Ang flagship store na ito ay isang testament kung ano ang kayang gawin ng hard work, dedication, at steadfast prayers.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top