Friday , November 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mister Grand Phils. Ilocos Region rep, type sina Barbie at Bianca
Mister Grand Phils. Ilocos Region rep, type sina Barbie at Bianca

Mister Grand Phils. Ilocos Region rep, type sina Barbie at Bianca

STANDOUT among 32 candidates ng Mister Grand Philippines 2019 ang representative ng Ilocos Region na si Paolo Gallardo ng San Fernando, La Union. Bukod sa ganda ng pangangatawan, maamong mukha at towering height na 5’11, napakahusay nitong sumagot sa mga katanungan.

Maganda rin ang kuwento ng buhay ni Paolo na sa murang edad ay naulila sa kanyang mga magulang, na nadesgrasya ang ina at agad binawian ng buhay. Namatay naman ang kanyang ama sa sakit na cancer, kaya naman ang kanyang kamag-anak ang kumupkop sa kanya at nagpalaki.

Gusto nitong maiuwi ang titulong Mister Grand Philippines para ialay sa kanyang mga yumaong magulang at sa mga taong nagpalaki sa kanya sa kanyang bayan.( ( Balak din nitong pasukin ang pag-aartista at isa sa pangarap niya ang maka­tra­ba­ho si Barbie For­teza na bata pa lang ay paborito na niya at laging pinanonood gayundin si Bianca Umali na nahuhusayan siyang umarte at nagagandahan. Ang Mister Grand Philippines 2019 ay gaganapin ngayong gabi, 8:00 p.m., Sept. 19 sa Convenarium of Crossroad Center at hatid ng MegaModels ng kaibigang Meg Perez.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top