Wednesday , July 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mikoy Morales, single pa rin ang feeling kahit dyowa na si Thea Tolentino
Mikoy Morales, single pa rin ang feeling kahit dyowa na si Thea Tolentino

Mikoy Morales, single pa rin ang feeling kahit dyowa na si Thea Tolentino

Sobrang fulfilling ang love life ni Mikoy Morales with girlfriend Thea Tolentino.

Feeling raw niya, he is in a relationship but he still feels single whenever he wants to. And that’s a luxury not everyone supposedly gets and he feels inordinately lucky to be in that kind of relationship.

Suffice to say, napaka-understanding raw ni Thea to the point na maiintindihan nito kung sakaling pagod siya.

“I mean,” he further added, “we will only help each other kapag hindi na namin kayang mag- isa and kapag humingi ng tulong.

“Pero ‘pag ganito na kanya-kanya, we’re still on our own individual journey.”

In a matter of speaking, wala raw pressure ang kanilang relasyon. ‘Yung tipong obligado siya na mag-date sila, mag-dinner o gumimik on a regular basis.

Anyway, the press had a grand time talking to Mikoy at the grand mediacon of their new Kapuso primetime series The Gift last September 9 that was held at the Prime Hotel, in Kyusi

Na-excite si Mikoy sa kanyang role bilang best friend ni Alden sa The Gift.

Kasi, prior to this, parang ayaw na muna sana niyang mag-soap.

Mayroon na raw kasi siyang Bubble Gang, ‘tapos may Pepito Manaloto pa siya.

Tapos mayroon pa siyang film projects kaya feeling niya, he has his hands full already.

‘Pag nag-soap raw kasi, tatlong araw agad ang mawawala sa isang linggo.

At any rate, he has had a change of mind because of the The Gift’s director LA Madridejos.

“My favorite director!” he said beaming.

“In My Special Tatay, sa soap, favorite director ko. And first time naming magkakatrabaho nang matagal kasi.

“Laging guest role lang ako sa kanya or Magpakailanman.

“‘Tapos iyon pa, it’s an Alden project, hindi siya typical na, ‘A, may love team si ganito,’ ganyan.

“Hindi siya magmumukhang kung sino, who will end up with who, e.”

First time raw niyang makakatrabaho si Alden sa isang project so naroroon ‘yung feeling na nakai-inspire dahil dala-dala niya ‘yung bandera ng GMA!

“And it’s really not hard to admire him from afar based on his body of work and, iyon nga, I never got the chance to tell him that, na…

“Kasi nagkakasalubong lang kami lagi, e, and once lang kami nagkasama sa workshop.

“But now na nakikita ko na in action ‘yung craft niya and ‘yung pagiging genuine niya, ‘yung pagiging malaki ng puso niya, ‘yung ganoon.

“It’s ang cheesy, pero it’s an honor, it’s an honor.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top