Friday , November 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Erin Ocampo, kinikilig kay Alden
Erin Ocampo, kinikilig kay Alden

Erin Ocampo, kinikilig kay Alden

HINDI naiwa­sang kiligin ng newest Kapuso star na si Erin Ocampo, dating miyembro ng all female group ng It’s Showtime, ang  Girltrends nang tanungin kung sino ang Kapuso actor na gusto niyang makatrabaho.

Kuwento ni Erin na noong mapanood niya ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden, ang Hello, Love, Goodbye ay naging crush na niya ang aktor.

Kaya naman sa paglipat niya sa Kapuso, isa ang aktor sa gustong makatrabaho, bukod pa sa iba pang mga Kapuso star.

Sa ngayon mapapanood si Erin sa Beautiful Justice na pinagbibidahan nina Bea Binene, Gabbi Garcia, at Yasmien Kurdi bilang mga PDEA agent.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top