Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kim, kinailangang buhatin ni Xian (dahil sa sikip ng gown)
Kim, kinailangang buhatin ni Xian (dahil sa sikip ng gown)

Kim, kinailangang buhatin ni Xian (dahil sa sikip ng gown)

MARAMI ang naloka, natawa, nailing, at na-sweet-an sa ginawang pagbuhat ni Xian Lim kay Kim Chiu para makababa ng hagdanan sa Shangri-La sa The Fort para sa ABS-CBN Ball.

Sobra kasing kitid o sikip ang tinawag na Traje de Magdalena (long sleeves Filipiniana Barogg) gown ni Kim na gawa ni Benj Leguiab IV.

Ani Leguiab, ang gown na ginawa niya ay naglalarawan ng isang ‘strong and brave Filipina.’

At dahil sa sobrang sikip ng gown, kinailangang buhatin ni Xian si Kim para makarating sa ibaba ng hagdan.

May mga pumuri sa ginawang pagbuhat ni Xian at sinabing super sweet ang dalawa, mayroon din namang nairita dahil nagusot daw ang suot na barong ng aktor.

Pero kahit si Xian ang nagbuhat, pawis na pawis din si Kim sa kanyang kasuotan. Tila na-stress din siya. ‘Yan ang tinatawag na tiis ganda na kahit hirap na eh ok lang.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top