Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dagdag na sinehan, hiling ni Angie Ferro; Lola Igna, big winner sa 2019 PPP Gabi ng Parangal
Dagdag na sinehan, hiling ni Angie Ferro; Lola Igna, big winner sa 2019 PPP Gabi ng Parangal

Dagdag na sinehan, hiling ni Angie Ferro; Lola Igna, big winner sa 2019 PPP Gabi ng Parangal

KUNG kailan edad 82 na si Angie Ferro ay at saka lang niya naranasang maging leading lady sa pelikula, ang Lola Igna.

Bagama’t hirap nang tumayo at maglakad si Ms Angie ay walang pagsisisi dahil nakatamtan niya ang Best Actress trophy sa katatapos na Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 Gabi ng Parangal na ginanap sa 1 Esplanade, Pasay City nitong Linggo ng gabi.

Malaman ang thank you speech ni Lola Igna na nanalo ring Best Picture.

“Sayang naman ang best picture kung walang sinehang dagdag. Panoorin naman hindi kayo magsisisi. Panoorin lahat. May audience ba rito? O mga artist lang?

“Siguro, mag-ano tayo sa TV—invite everyone. Press, isulat ninyo, ha? Kasi, sayang naman, best picture, o?! Maraming salamat! Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Mabuhay ang mga artistang Filipino!

“Mga kabataan, ipagpatuloy ninyo, kayo ang pag-asa. Walang ano, ha? Hindi puwedeng papayag kayo na ‘pag hindi maganda.

“Kailangang hubugin ang talino. Kahit kayo’y (may edad na) otsenta’y dos (82) na ako, ha? Ngayon lang ako naging leading lady sa pelikula.”

Ibig sabihin ni Ms Angie na dapat hindi artista ang batayan para panoorin ang pelikula kundi ang kabuuan ng kuwento nito at paano ginawa hindi dahil sikat ang mga artista o tinatawag na fan base.

Pero wala, eh, ito talaga ang umiiral sa showbiz. Nagkataon lang na karamihan sa mga pelikulang kasama sa PPP 2019 ay mga nagta-trabaho ang market nila kaya maraming nakapanood kompara sa target market na estudyante na wala namang extra para ipampanood ng sine.

Going back to Lola Igna, nakamit din nito ang ibang awards tulad ng Best Screenplay at Best Musical Score.

Ang ibang listahan ng mga nanalo ay ang mga sumusunod:

Best Picture – Lola Igna; Best Director – Tyrone Acierto (Watch Me Kill); Best Actress – Angie Ferro (Lola Igna); Best Actor – Martin del Rosario (The Panti Sisters); Best Supporting Actress – Tuesday Vargas (LSS, Last Song Syndrome); Best Supporting Actor – Gio Alvarez (I’m Ellenya L); Best Screenplay – Eduardo Roy, Jr/Margarette Labrador (Lola Igna); Best Editing – Colorado Ruthledge (Watch Me Kill); Best Cinematography – Marcin Szocinski (Watch Me Kill); Best Production Design – Marxie Faolen Fadul (The Panti Sisters); Best Original Song – Araw-Araw by Ben&Ben (LSS, Last Song Syndrome); Best Musical Score – Andrew Florentino (Lola Igna); Best Sound Design – Aurel Claro Bilbao/Arnel Labayo (LSS, Last Song Syndrome).

Special Awards—Special Jury Award – LSS, Last Song Syndrome;

Sine Kabataan Short Film – Kalakalaro (directed by Rodson Verr C. Suarez); Audience Choice Award – The Panti Sisters (directed by Jun Robles Lana); PISTAPP Audience Choice Award – LSS, Last Song Syndrome (directed by Jade Castro); PISTAPP Sine Kabataan Audience Choice Award – Chok (directed by Richard Jeroui Salvadico/Apple Sweet Sumagaysay).

Wala namang nakuhang award ang mga pelikulang Circa, Open, Cuddle Weather, at G.

Samantala, kahit malakas ang ulan ay hindi napigil ang pagdalo ng maraming kilalang artista sa PPP 2019 Gabi ng Parangal kaya naman ang saya-saya ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino dahil successful ang unang awards night niya at kasamang napuri rin ang kanyang partner na si Ice Seguerra bilang direktor ng event pati na rin ang nakaraang Sine Sandaan na ginanap naman sa New Frontier Theater nitong Setyembre 12.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top