Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dwayne Santos, itinanghal na That’s My Boy Grand winner (Wagi ng P.1-M)
Dwayne Santos, itinanghal na That’s My Boy Grand winner (Wagi ng P.1-M)

Dwayne Santos, itinanghal na That’s My Boy Grand winner (Wagi ng P.1-M)

Walong little boys ang naglaban sa Grand Finals ng “That’s My Boy” sa APT Studio nitong Sabado. Kabilang sa nagsilbing mga hurado ay sina Direk Gina Alajar, Jean Garcia, Julie Anne San Jose, Dabarkads Ryan Agoncillo.

Lahat ng finalists ay bibo at talentado at mahusay rin sumagot sa tanong ng mga host na sina Jose Manalo at Maine Mendoza. Pinakabibo at umagaw ng pansin ay si Grand Finalist No.6 Xiian Carl Yambao na itinanghal na first runner-up dahil ang munting hiling niya kapag siya ang nanalo ay ibibili niya ang kanyang Mommy ng karaoke set kasi mahilig siyang kumanta at gusto niyang maging singer at matutupad ang hiling niya dahil P30K ang premyong kanyang tinanggap.

Ang pinakabata naman sa lahat na si Tabobong  ang naging 2nd runner-up at nagkamit siya ng P20K at ang itinanghal na Grand winner ay si Grand Finalist No.10 Dwayne Santos na nakapag-uwi ng tumataginting na P100K plus trophy.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top