Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ate Vi, mas inuna ang bayan kaysa showbiz gathering
Ate Vi, mas inuna ang bayan kaysa showbiz gathering

Ate Vi, mas inuna ang bayan kaysa showbiz gathering

INISNAB daw ni Congresswoman Vilma Santos, at ng iba pang mga sikat na artista ang isang mahalagang showbiz gathering na magbibigay pa naman sana ng parangal sa kanya, kasama ang 299 na iba pa.

Una, maliwanag namang hindi sumagot si Ate Vi, dahil may mga commitment siyang mas nauna. Mahalaga ang showbiz kay Ate Vi, isa siyang aktres eh. Diyan siya nagsimula. Pero dapat nating intindihin na mayroon siyang sinumpaang tungkulin. Hindi lang “tinanggap” parang role sa isang pelikula kundi “sinumpaang” tungkulin sa bayan. Ano ngayon ang uunahin mo?

Hindi naman nagsinungaling si Ate Vi eh, sinabi niya na ang priority niya ngayon ay ang kanyang tungkulin sa bayan, pangalawa ang kanyang pamilya, at pangatlo lamang ang pagiging isang artista.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top