Thursday , April 25 2024
shabu drug arrest

23 katao nadakip ng Navotas police sa ilegal na droga

PINURI ni Mayor Toby Tiangco ang Navotas City Police Station matapos maaresto ang 23 indibi­duwal na nahulihan ng ilegal na droga.

Nakakompiska ng 31 plastic sachet ng shabu at P500 marked money ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isinagawang dalawang buy bust at apat na magkakaibang surveillance operation.

“Masuwerte ang Navotas sa pagkakaroon ng masisipag na mga pulis. Ang dedikasyon nila sa trabaho, sa kabila ng panganib na kaakibat nito, ay nakatutulong upang masiguro natin na mananalo tayo sa ating laban kontra ilegal na droga,” pahayag ng alkalde.

Gayonman, sinabi ni Tiangco, ang pagpapa­natili ng kaligtasan sa Navotas ay respon­sibili­dad ng bawat Navoteño.

“Bawat isa sa atin ay may papel na dapat gampanan para tuluyang masugpo ang ilegal na droga. Sa pamamagitan ng pagre-report ng mga ilegal na aktibidad, makatutulong kayo upang maipakulong natin ang mga personalidad na sangkot sa droga, at matulungang magbago iyong mga nalulong sa paggamit nito,” aniya.

Ang Navotas ay may pasilidad na Text JRT (JohnRey oR Toby) na tumatanggap ng mga tugon, reklamo o report mula sa mga residente. Ang mga mensahe ay maaaring ipadala sa mga numero ng Text JRT na 0915-2601385 para sa Globe, 0908-8868578 para sa Smart, at 0922-8888578 para sa Sun.

Walong barangay sa Navotas ang naidek­larang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).  Kabilang dito ang North Bay Boulevard South (NBBS) Dagat-dagatan, NBBS Proper at NBBS Kaunlaran, Navo­tas East at Navotas West, Tanza I at Tanza II, at San Rafael Village.

Ang lungsod ay mayroong Bidahan, isang community-based treat­ment and rehabilitation program para sa mga gumagamit ng ilegal na droga na gusto nang magbago.

Simula nang maitatag ang Bidahan noong Oktubre 2016, nagkaroon ng 21 batch na may 592 kalahok.

Sa bilang na ito, 108 ang nakakompleto sa anim na buwang couns­elling at 10 ang nakata­pos ng 18-buwan aftercare treatment.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *