Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Record high attendance ng mga kongresista ngayong 18th Congress ayos na ayos!
Record high attendance ng mga kongresista ngayong 18th Congress ayos na ayos!

Record high attendance ng mga kongresista ngayong 18th Congress ayos na ayos!

NAKAMAMANGHA ang ipinapakitang sigasig at sipag ng mga kongresista sa pamumuno ni Speaker Alan Cayetano.

Aba’y tila, siksik at punong-puno ng good vibes ngayon ang kongreso dahil sa average na 247-record high attendance ng solons sa sesyon ng kamara.

Ang makasaysayang record-high attendance ay naitala sa loob ng 18 session days na ginawa mula 22 Hulyo hanggang nitong Lunes, 10 Setyembre batay sa  opisyal na record ng House Committee on Rules.

Ibig sabihin nito, matindi ang dedikasyon, disiplina at kasipagang ginagawa ngayon ng mga mambabatas.

Maging si House Deputy Speaker Neptali Gonzales ay napahanga sa ipinapakitang dedikasyon ng mga kapwa kongresista na gampanan ang kanilang legislative duties para masiguro ang hangarin ni Pangulong Digong na ligtas at komportableng buhay para sa mga Filipino.

Ayon kay Gonzales, matagal na siyang nagsilbi bilang kongresista at naging Majority Floor Leader na rin ng kamara noon pero ngayon lang aniya ito nangyari na mataas ang average ng attendance ng solons sa sesyon na dati ay extended vacation ang mga kongresista kapag nasa-sandwich ang holidays.

Matatandaang 266 kongresista ang dumalo sa sesyon noong August 13, araw matapos ang Eid al-Adha Day, at 259 ang nasa sesyon noong  August 27, matapos ang pagdiriwang ng National Heroes Day.

Sa ngayon, patuloy ang deliberasyon sa 2020 National Budget sa plenaryo na natapos maaprobahan sa committee level noong September 6. Kaya naman asahan na ng taong-bayan na makalulusot ang pambansang badyet sa kamara bago ang October 4.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Gonzales sa liderato ni Cayetano dahil sa pagiging hands-on speaker nito at pagsisiguro na mahawakan ng mga kalipikadong kongresista ang mahahalaga at malalaking komite upang masiguro na maayos ang takbo at proseso ng pagdinig.

Dagdag ni Gonzales, kailangang kayod-kalabaw ang gawin ng mga kongresista upang maisabatas ang priority bills ni Tatay Digong at hindi na muling magkaroon ng aberya sa pag-aaproba ng pambansang badyet.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top