Saturday , September 19 2020
Breaking News
You are here: Home / News / NBP doctor idiniin ng ex-mayor sa ‘for sale’ na hospital pass
NBP doctor idiniin ng ex-mayor sa ‘for sale’ na hospital pass

NBP doctor idiniin ng ex-mayor sa ‘for sale’ na hospital pass

TAHASANG ibinunyag at tinukoy ng dating bi­lang­go na dati rin alkalde ng Valencia, Bukidnon na si Jose Galario Jr., ang mga doktor na sangkot sa ‘hospital pass for sale’ sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa pag-uusia ni Senator Christopher “Bong” Go, isiniwalat ni Galario ang pangalan nina Dr. Ursinio Cenas at Dr. Ernesto Tamayo.

Ayon sa dating alkal­de, isang retired polic­eman, nagbabayad uma­no sila kay Cenas, para mabigyan ng medical attention.

Nakikita raw niya sa ospital na mayroong nag­ba­bayad para maka­panatili sa ospital kahit walang sakit at para makagamit ng cellphone.

Ani Galario, con­victed sa graft case, siyam na drug lords daw ang kaniyang nakikita roon na matagal nang naka-confine ngunit wala namang karamdaman.

Minsan tumatagal ang drug lords nang anim hanggang walong buwan sa ward ng ospital.

Ang Bilibid hospital ward ay may kapasidad na 100 pasyente.

Sa kanyang ale­ga­syon,  sinabi ni Galario, nasa 90% ng drug lords ay kay Cenas dume­deretso.

Nagpapabayad din umano ang mga doktor kapag may ipapasok na gamot at pagkain ang mga dumadalaw.

Ibinulgar ni Galario na ilang beses siyang ‘naglagay’ ng P1,000 kay Cenas na umabot sa P8,000.

Kasama ng dating alkalde na humarap sa Senado ang kanyang anak na babae na SI Liezel na nagkuwento rin sa kan­yang mga naoobserbahan.

Inilarawan ni Liezel kung paano tinatanggap ng doktor ang ‘bayad’ at inilalagay sa drawer ng table.

Pero todo tanggi sina Cenas at Tamayo sa lahat ng alegasyon.

Gayonman inamin ni Cenas na nagbigay ng pera si Galario na sa akala niya ay galing sa puso nito at regalo.

Aniya, tinatanggihan niya ito pero iniiwan umano sa kanyang mesa ang pera. (CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan Cynthia Martin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top