Tuesday , November 12 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 3 BuCor officials pinatawan ng contempt
3 BuCor officials pinatawan ng contempt

3 BuCor officials pinatawan ng contempt

KASAKULUYANG nakapiit sa isang silid sa gusali ng Senado ang tatlong Bureau of Cor­rections (BuCor) officials matapos maramdaman ng mga senador na nag­sisinungaling o hindi nagsasabi ng totoo ang tatlo.

Kabilang sa mga officials sina Atty. Fredric Anthony Santos, ang hepe ng Legal Division ng BuCor; Ramoncito Roque, pinuno ng Documents and Records Section; at Dr. Ursicio Cenas ng National Bilibid Prison (NBP) Hospital.

Kahit sinabi ng tatlo na sila ay nagsasabi nang totoo ay hindi nakombinsi ang mga senador kaya iniutos sa tanaggapan ng Sergeant-at-Arms na ikulong pagkatapos ng pagdinig.

Naniniwala si Senador Richard Gordon na may­roong itinatago at pino­protektahan ang tatlo kaya’t patuloy ang kani­lang pagtatago sa kaka­tohanan.

Tiniyak ni Gordon, makalalaya ang tatlo kung tuluyang matatang­gap ng mga senador ang kanilang mga kasagutan sa susunod na pagdinig.

 (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top