Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Laya’ sa GCTA sa panahon ni ‘Bato’ malinis
‘Laya’ sa GCTA sa panahon ni ‘Bato’ malinis

‘Laya’ sa GCTA sa panahon ni ‘Bato’ malinis

HANDA si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na humarap sa imbes­tigasyon ukol sa mga napalaya sa ilalim ng good conduct time allowance (GCTA) sa ilalim ng kanyanng panu­nungkulan bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon Dela Rosa, wala siyang dapat ikatakot o ipangamba dahil duma­an sa tamang proseso ang mga pinalaya niya sa ilalim ng GCTA.

Binigyang-linaw ni Dela Rosa na sa sobrang higpit niya bilang pinuno ng BuCor ay tiyak na natakot gumawa ng kalokohan ang mga nasa ibaba niya.

Ngunit naniniwala si Dela Rosa na dapat ma­na­got ang may kasalanan o gumawa ng kapalpakan sa ilalim man ng kanyang administrasyon o hindi sa BuCor.

Iginiit ni Dela Rosa, wala siyang pangamba sa kanyang mga napa­laya na kanyang pinir­mahan dahil walang kapalit ang nasabing pagpapalaya.

Aminado si Dela Rosa na naririnig na niya ang alingasngas o isyu sa loob ng Bilibid ngunit walang ‘for sale’ na GCTA na kanyang nilag­daan.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top