Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn, boto kay Sarah para makapareha ni Daniel sa movie
Kathryn, boto kay Sarah para makapareha ni Daniel sa movie

Kathryn, boto kay Sarah para makapareha ni Daniel sa movie

MARAMING mga artista ang nangangarap na makatambal sa pelikula si Daniel Padilla. Hindi naman maikakaila na si Daniel sa ngayon ang talagang box office king dahil sa records ng mga nakaraan niyang pelikula. Iyong huli niyang pelikula ay nagrehistro ng box office history. Oo nga at sinasabing may nakapantay na roon, pero ang leading lady ng pumantay ay si Kathryn Bernardo rin, ano nga ba ang record ng mga nakaraang project noon? Samantalang si Daniel, talagang matindi kahit ang nakaraang box office records.

Doon sa mga may gustong itambal kay Daniel, sinasabing dalawa ang lumulutang, sina Sarah Geronimo at Liza Soberano.

Mabilis ang reaksiyon ni Kathryn sa mga bagay na iyan. Sinabi niya agad na kahit na sino ang makatambal ni Daniel ay ok lang sa kanya, pero kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang ang makatambal niyon sa pelikula ay si Sarah.

Ano nga ba ang punto ni Kathryn? Una siguro alam naman niyang maganda rin ang box office record ni Sarah, bagama’t matagal na iyong walang pelikula. Alam din niyang sobrang in love si Sarah sa boyfriend na si Matteo Guidicelli, kaya walang anumang peligro. Ikatlo, siguro nga naisip din niya, maraming nai-in love sa beauty ni Liza, na siyang pantasya ngayon ng mga lalaki kahit na binabakuran siyang pilit ni Enrique Gil.

Paano nga naman kung may biglang magsabing bagay pala sina Daniel at Liza?

Kaya sa palagay namin, natural lang naman na kung si Kathryn ang tata­nungin, mas gugustuhin na niyang si Sarah ang leading lady ni Daniel kaysa kay Liza.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top