Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Erpat naburyong nagbigti
Erpat naburyong nagbigti

Erpat naburyong nagbigti

PAGKABURYONG ng isang padre de familia ang nakikitang dahilan kung bakit niya kinitil ang sariling buhay habang lango sa alak sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Christopher Pincas, 37, may asawa, residente sa Gate 14, Area B, Parola Compound,  Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), 7:45 am nang madiskubreng patay ang biktima ng kanyang asawang si Analyn.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima nang makipag-inuman sa ilan nilang kapitbahay.

Sa pahayag ng kanyang maybahay, mayroon silang hindi pagka­kauna­waan parti­kular sa pambabae ng kanyang mister.

Malimit din aniya silang mag-away ng mister kaya maaari uma­nong naburyong at naisipang magbig­ti.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top