Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Eksplanasyon ng DepEd sa 100 elementary pupils natigmak sa ulan hiningi (Sa pagsalubong kay Yacob)
Eksplanasyon ng DepEd sa 100 elementary pupils natigmak sa ulan hiningi (Sa pagsalubong kay Yacob)

Eksplanasyon ng DepEd sa 100 elementary pupils natigmak sa ulan hiningi (Sa pagsalubong kay Yacob)

PINAGPAPALIWA­NAG ng Palasyo ang Depart­ment of Education (DepEd) hinggil sa pagkababad sa ulan ng mga mag-aaral na sumalubong kay Singa­pore President Halimah Yacob sa Malacañang kamaka­lawa.

“I will ask Secretary Briones,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo nang usisain ng media sa kaawa-awang sinapit ng mga mag-aaral na hinayaang mabasa ng ulan para salubungin si Yacob.

Naniniwala si Pane­lo na dapat ay may contingency plan ang DepEd para sa mga mag-aaral na pinapu­punta sa Palasyo para sumalubong sa world leader upang maging handa sa pabago-ba­gong panahon.

Kamakalawa ay nanginginig sa ginaw ang halos 100 mag-aaral ng Pio del Pilar Elementary School sa Sta. Mesa, Maynila at Dr. Celedonio Salvador sa Paco, May­nila habang nakahilera sa JP Laurel St., mula Gate 2 hang­gang Gate 4 ng Palasyo habang bumu­buhos ang malakas na ulan sa paghihintay sa pagda­ting ni Yacob.

Naging kostumbre ng Palasyo na mag-imbita ng mga mag-aaral sa mga pampu­blikong paaralan sa Maynila tuwing may panauhing world leader sa Malacañang.

Anang ilang naka­sak­si sa sinapit ng mga bata, taliwas ito sa umiiral na batas na nag­tatakda ng obligasyon ng estado na bigyan ng proteksiyon ang mga bata alinsunod sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top