Friday , November 15 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dahil sa dekalidad na pelikula… Rosanna kabilang sa pararangalan ng FDCP para sa Isandaan Taon ng Philippine Cinema
Dahil sa dekalidad na pelikula… Rosanna kabilang sa pararangalan ng FDCP para sa Isandaan Taon ng Philippine Cinema

Dahil sa dekalidad na pelikula… Rosanna kabilang sa pararangalan ng FDCP para sa Isandaan Taon ng Philippine Cinema

NOONG glorious days ng career ni Rosanna Roces, ay hindi lang pinilahan sa takilya ang mga sexy movies na ginawa sa Seiko Films kundi nakagawa rin ng matitinong proyekto si Rosanna na matatawag na critically aclaimed classic movies at lalong nagpamalas sa husay nito sa pag-arte.

Ilan sa maituturing na quality movies na ginawa ni Osang ay Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, Ang Lalaki Sa Buhay Ni Selya, Babae Sa Bintana, La Vida Rosa, at Katawan na nakatambal niya si Christoper de Leon.

Nakatrabaho ni Osang sa pelikulang ito ang mga premyadong director na tulad ni Chito Rono, Abbo dela Cruz, at Carlitos Seguion Reyna. At dahil sa naimbag na sining, isa si Rosanna sa bibigyang parangal

ng Film Development Cinema of the Philippines (FDCP) ni Chairwoman Liza Dino para sa selebrasyon ng Isandaan Taon ng Philippine Cinema na gaganapin ngayong September 12 sa KIA Theater sa Araneta Center, Cubao Quezon City.

Samantala mapapanood si Osang sa tatlong entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino na The Panti Sisters, G! TropaMovie, at Circa ganoon din sa bagong teleserye sa ABS-CBN na “Pamilya Ko” na nagsimulang umere noong September 9.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top