Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bimby, binigyan ng blessing si Willie para kay Kris; Josh, dati pang boto sa Wowowin host
Bimby, binigyan ng blessing si Willie para kay Kris; Josh, dati pang boto sa Wowowin host

Bimby, binigyan ng blessing si Willie para kay Kris; Josh, dati pang boto sa Wowowin host

IBINIGAY ni Bimby ang blessing niya kay Willie Revillame para ligawan na ang kanyang Mama na si Kris Aquino. Nangyari ito sa party ni Willie nang dumalo sina Kris, Josh, at Bimby. Ipinost pa ni Kris sa kanyang official Facebook page ang video ng pagpunta nila sa party.

Mapapanood sa video na pagkatapos kantahin ni Willie ang hit song niyang Ikaw Na Nga, isa sa mga paborito ni Josh, bigla na lang seryosong sinabi ni Bimby kay Kris na, “Mom, if he makes you happy, I’ll let you.”

Natatawa namang sagot ni Kris, “He doesn’t like me Bimb. Kaloka!”

Nakuha nito ang atensiyon ni Willie kaya tinanong ng TV host-comedian kung ano raw ang sinabi ni Kris. Inulit naman ito ni Kris, sabay tawa.

Tapos ay bigla na lang nagsalita ulit si Bimby, “You have my blessing, Tito Willie!”

Naging tampulan tuloy ng tukso sina Kris at Willie ng mga tao sa party. May mga sumisigaw pa ng, “Kiss!”

Tila ito naman ang naging signal para mag­paalam na si Kris kay Willie at niyaya nang umalis ang dalawang anak. Tapos ay nagpasalamat at nagpaalam na sila sa lahat.

Bago mangyari ito ay tinawag ni Willie si Josh para tumugtog sa keyboards. Tinawag pa niya si Josh na may good friend. Inalayan din ng kanta ni Willie ang mahal na mahal niyang si Josh, na alam ang lyrics ng kanta. Noon pa man ay espesyal na si Josh kay Willie. At si Josh naman ay dati pa yatang boto kay Willie para sa kanyang Mama Kris.

Habang kumakanta si Willie ay niyaya niya sa harapan si Josh. Tapos ay sumunod na rin sina Kris at Bimby. Pagkatapos ng kanta ay nag-group hug pa sila. Rito pa lang ay tinutukso na sina Kris at Willie.

Samantala, isang sulat ng pasasalamat kay Willie ang mababasa rin sa video post ni Kris sa FB. Ani Kris, “Gusto ko lang mag THANK YOU. Bimb & i saw the excitement and happiness that kuya josh felt to be in tito willie’s party. Thank you to Willie, his relatives and friends, to the Wowowin family – among them: ate natchie, check, tita anna, all the cohosts, and the dancers, and of course Bern… i had something else to upload but this was an example that we can all make this world kinder and happier just by making people feel special and LOVED.”

Matatandaang noong Mayo ng taong ito, biniro ni Kris si Willie na hinihintay niya lang ito na ligawan na siya kaya hindi siya nagpapaligaw sa iba. Nangyari ang biruan sa isang episode ng hino-host ni Willie na Wowowin, na sa isang segement ay tinawagan ni Willie si Kris para makausap nito sa phone ang Krisy impersonator niya na si Chino Liu na sumali sa show.

“Hinihintay kita kaya hindi ako nagpapaligaw sa iba! Because ikaw lang ang tanggap ng dalawang anak ko,” sabi pa ni Kris kay Willie.

Tumawa lang si Willie at ipinakausap na niya si Kris sa impersonator nito. Pero may hirit pa si Kris kay Willie, “Tignan mo ha isang ring lang sinagot kita agad.”

Ginatungan pa ito ng impersonator ni Kris, “Paano pa ‘pag nanligaw pa? Baka mas sagutin, ‘di ba?”

“Tama!” pagsang-ayon ni Kris. “Gusto ko talagang mayroong sure ako na mamahalin si Kuya Josh. So, huwag na nating patagalin. Kung liligawan mo ako, June 4 sasagutin na kita! ‘Yun ang birthday gift ko kay Kuya Josh. Matutupad na ang pangarap niya na si Willie Revillame maging stepfather niya.”

Pero nag-post din si Kris sa social media ng isang paglilinaw sa biruan nila ni Willie. Aniya, “Of course alam naman natin na walang ligawan na magaganap. But i’d always want Kuya to be secure, feel loved, and HAPPY. It’s not like with Bimb that i see so much of the ‘fighter’ part of me in him… my panganay is a gentle giant who really needs to be sheltered and protected. Mabait kasi kaya baka maabuso. And more than Bimb, siya talaga ‘yung naghahanap ng constant, strong, decidedly male figure in his life dahil ang mga hilig niya, cars and taking long drives, golf carts, biking, ATV, and jet skis (plus the swimming and running 10Ks) obviously hindi ko naman siya masasamahan. 

“Bimb in many ways has adapted well to our life situation and has matured so much for someone who has only turned 12- maybe from knowing this early that long term he is responsible for his kuya’s welfare and also to a large extent, his mama’s.”

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top