Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tagumpay ni Alden, inialay sa ina
Tagumpay ni Alden, inialay sa ina

Tagumpay ni Alden, inialay sa ina

INAALAY ng Pambansang Bae, Asia’s Multimedia Star, Alden Richards ang lahat ng tagumpay niya ngayon sa yumaong ina na siyang may gustong mag-artista siya.

Post nga ni Alden sa kanyang IG account, “Mama kung nasaan ka man….sana proud ka sa akin ma. See you soon ok? Thank you sa inspirasyon.”

Pasasalamat din ang gustong iparating ni Alden sa mga taong nagmamahal at sumusuporta simula pa nang pinasok niya ang showbiz.

“Basta masaya ako dahil nandiyan pa rin ‘yung mga tao noong times na masaya ako at times na malungkot ako, sa times na halos ayoko na.

“Sila ‘yung nagpu-push sa akin na hindi, mayroon at mayroon pa ‘yan hangga’t may darating sa ‘yo bigger than you would not expect it.”

At isang malaking pasasalamat ang gusto nitong ibalik sa Diyos dahil sa dami ng blessings na dumarating sa kanya at sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan sampu ng kanyang pamilya.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top