Sunday , December 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Arcilla, nagalingan kina Paolo, Christian at Martin
John Arcilla, nagalingan kina Paolo, Christian at Martin

John Arcilla, nagalingan kina Paolo, Christian at Martin

NAGALINGAN ang award-winning actor na si John Arcilla kina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario, na gumaganap bilang mga anak niyang bading sa pelikulang The Panti Sisters directed by Jun Robles Lana.

Actually, nakakanganga, nakaka-awe ‘yung kanilang galing na tatlo. Sobrang swak na swak sila sa characters nila. Ang galing-galing ng kombinasyon nilang tatlo kaya ang sarap-sarap gawin ng pelikula. At saka ano eh, hindi sila ‘yung, ‘Ay gagawin ko lang ito,’ tapos na. Mayroon silang kine-create, mga aktor eh, nakatutuwaPara sa akin swak na swak silang tatlo roon sa role. Ang saya ko na kasama ko sila rito,” sabi ni John.

May dagdag pang mga papuri si John sa bawat isa kina Paolo, Christian, at Martin. Inuna niya si Paolo, ”Napaka-candid ni Paolo. ‘Yung bawat eksena mayroon siyang ibinibigay na bago. Well, ang ganda-ganda kasi ng training niya when it comes sa pagiging komedyante, kasama niya sina Tito, Vic and Joey, mga aces ng Philippine comedy, so nadadala niya iyon dito. Kaya kumbaga kuwela onscreen, kaya lalong nakatutuwa. He lightens up the scenes, ‘yung mood sa mismong takesa mismong kuwento, sa mismong sequence na tinatrabaho niyo. And even off the camera. So, ang saya lang.”

Bumilib din ba siya sa galing ni Paolo sa make-up transformation na ginawa nito sa shooting? “Sobra, saludo ako. ‘Yung pagiging artist niya, ‘yung pagiging Amorsolo ng kanyang ninuno, sobrang bilib ako. As in saludo ako sa pagiging artist niya pagdating sa ganyan.”

How about si Christian, ano ang masasabi niya rito? “Bago ko kasi ginawa itong ‘Panti Sisters,’ napanood ko na sila roon sa ‘Die Beautiful,’ bumilib na ako sa mga batang iyan – sina Paolo at Christian. Kaya noong makita ko si Christian dito, well ang saya kasi magaling talaga siya. Kasi isipin mo hindi naman siya bading pero kung umakting siya talagang kuhang-kuha niya. Nagagalingan ako sa kanya at saka may craft eh, gusto niya talagang maging aktor, gusto niya ‘yung trabaho niya. So, kitang-kita ‘yung dedication sa trabaho. Nakabibilib, sobrang nakabibilib.”

Ano naman ang kapuri-puri kay Martin? “Si Martin, ganoon din, nakabibilib din ang galing. Tapos napakaganda niya ‘pag nakabihis na ng pambabae. ‘Yung alam mong hindi naman siya fag, hindi naman siya bading, pero alam mo saktong-sakto ‘yung demeanor niya roon sa character niya. Ang hinhin-hinhin, ang ganda-ganda. Ang galing pa niya.”

Kasama rin sa cast ng The Panti Sisters sina Carmi Martin, Rosanna Roces, Joross Gamboa, Cedrick Juan, Addy Raj, Mark McMahon, Roxanne Barcelo, Via Antonio, at Ali Forbes. Produced by The IdeaFirst Company, Black Sheep and Quantum Films, ang The Panti Sisters ay kabilang sa official entries ng 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino organized by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ni Chairperson Liza Dino Seguerra. Mapapanood ito sa mga sinehan nationwide simula sa Setyembre 13 bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-sandaang taon ng Pelikulang Pilipino.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top