Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Isyung ASF sa baboy ipinagkatiwala ng Palasyo sa DA

Isyung ASF sa baboy ipinagkatiwala ng Palasyo sa DA

TIWALA ang Palasyo sa kakayahan ng Department of Agriculture (DA) na pangalagaan ang kaligtasan ng publiko sa pagkain ng karne ng baboy.

Tugon ito ng Mala­cañang kausnod ng resul­ta ng laboratory test na positibo sa African swine fever (ASF) ang ilang sampol ng karne ng baboy mula sa lalawigan ng Rizal.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hintayin muna ang ilalabas na paalala o advisory ng Da hinggil sa ASF.

Aminado si Panelo sa ngayon, ang pinaka­raso­nableng gawin ay iwa­sang kumain ng karne ng baboy habang inaanta­bayanan ang payo ng DA at Depart­ment of Health (DOH).

Gayonman, nani­niwala si Panelo na hindi ilalagay ng DA sa kom­pro­miso ang kalu­sugan ng publiko hing­gil sa kinatata­kutang ASF.

Patunay din ng ligtas na pagkain ng karne ng baboy ang ginawang boodle fight kahapon ng umaga ng ilang opisyal ng DA sa pangunguna ni Secretary William Dar at Health Secretary Fran­cisco Duque.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top