Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Sexy star na pinsan ng ‘Killer Bride’ actress… Deborah Sun huli sa droga
Sexy star na pinsan ng ‘Killer Bride’ actress… Deborah Sun huli sa droga

Sexy star na pinsan ng ‘Killer Bride’ actress… Deborah Sun huli sa droga

ARESTADO ang veteran actress at dating sexy star na si Deborah Sun, kasa­ma ang tatlo pa sa isi­na­gawang buy bust ope­ration ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD Project 4 Police Station (PS8) commander  P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro ang naaresto na si Deborah Sun, Jean Louise Porcuna Salvador, sa tunay na buhay, 60 anyos, walang asawa, walang trabaho, at residente sa Room New York Mansion, Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Kabilang sa nadakip sina Gerald De Guzman alyas Gerry, 53;  Angela Salvador, alyas Ate, 45; at Gonzalo Gonzales, alyas Zaldy, 49, pawang residente rin sa naturang mansion.

Ayon kay Bilaro, ang dating aktres at mga kasama, ay nadakip dakong 1:30 am kahapon, 8 Setyembre, sa  nasbaing address.

Nakatanggap ng im­por­masyon ang mga awtoridad kaugnay sa ginagawang ilegal ng mga suspek sa nasabing unit kung kaya agad sila nakipag-coordinate sa  PDEA-NCR  at agad na ikinasa ang buy bust operation.

Nang matiyak na nasa loob na ng  unit ang mga suspek ay agad na isi­na­gawa ang buy bust operation at habang iniaabot ni De Guzman ang shabu sa poseur buyer ay agad dinakma ng mga nakakubling awtoridad.

Nakompiska  mula sa mga suspek ang mahi­git sa isang gramo ng shabu na tinatayang nag­kakahalaga ng  P6,800, drug paraphernalia, at P1,000  marked money.

Ang dating sexy star at ang kanyang mga kasama ay kasalukuyang nakapiit sa QCPD Project 4 Station (PS8) habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 11 & 12 of RA 9165.

Si Sun ay pinsan ng pangunahing aktres sa seryeng Killer Bride na si Maja Salvador. Ang kani­yang amang si Leroy Salvador, aktor at director, ay kapatid ng ama ni Maja na si Ross Rival. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top