Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Sa ilalim ni Speaker Cayetano… Budget hearings sa Kamara tapos agad (No pork barrel, no ‘insertions’)

Sa ilalim ni Speaker Cayetano… Budget hearings sa Kamara tapos agad (No pork barrel, no ‘insertions’)

NATAPOS “in record time” ng Committee on Appropriations ng House of Representatives, ang mga pagdinig sa mga panukalang gastusin ng iba’t ibang ahensiya ng pamaha­laan, nitong nakaraang linggo na may katiyakang walang nakatagong pork barrel o mga ilegal na ‘insertions’ sa 2020 national budget.

‘Yan ay sa masusing  paggabay ni House Speaker Alan Peter Caye­tano, na naglalayong ma­big­yan ng ligtas at magin­hawang buhay ang mga Filipino.

Ayon kay  House appro­priations commit­tee chairman,  Rep. Isidro Ungab  mula sa 3rd District ng  Davao City, ang mga pagdinig sa budget ng iba’t ibang government agencies and offices ay naging mabilis dahil sa pasya ni Speaker Cayetano na gawing 5:00 pm ang pagsisimula ng plenary session ng Kamara habang tinata­la­kay pa ang 2020 pro­posed budget sa komite.

Sa ganitong paraan, nakapagsagawa ng apat na budget briefings araw-araw si Ungab.

Ideya rin ng Speaker na ang vice chairpersons ng appropriations com­mit­tee ang magsagawa ng budget briefings kapag ito ay pormal nang mabuksan ni Ungab bilang chairman ng komite.

Nauna rito, sinabi ni  Deputy Speaker Neptali Gonzales II, ang target ng Kamara ay magsimula ang debates sa plenary ng 2020 budget sa 19 Se­tyembre pa.

“Pero sa pangunguna ni Speaker Cayetano, nagawa naming mai-advance ang schedule ng plenary debates,” ayon kay Gonzales.

Ang plenary debates ay magsisimula nang mas maaga ng isang linggo sa 10 Setyembre.

Kung ikokompara sa nakaraang budget briefings, ito ay karani­wang natatapos sa ikahu­ling linggo ng Setyembre.

Pero sa ilalim ni Speaker Cayetano, tapos agad ito sa unang linggo pa lamang ng Setyembre.

Nang isumite ng Malacañang ang National Expenditure Program for Fiscal Year 2020 kay Speaker Cayetano, Majo­rity Leader Ferdinand Martin Romualdez, Chairman Ungab at iba pang House leaders, sinabi agad ni Cayetano na ia-adjust ng Kamara ang schedule ng plenary session para mas may panahon na matalakay ang P4.1 trillion proposed national budget para sa  2020 ng Appropriations Committee.

“Sa ilalim ng epek­tibong paggabay at pamamahala ni Speaker Cayetano, lahat ay ku­milos nang naaayon sa ibinigay sa kanilang ga­wain, at sumuporta at nakipag-ugnayan sa committee on appro­priations kaya naman maagang natapos ang mga budget hearings at nakompleto na noong Biyernes, 6 Setyembre,” ani Ungab.

“Dahil dito, ako ay nagpapasalamat sa mga vice chairmen at mga miyembro ng Committee on Appropriations sa kanilang sipag at tiyaga na matapos agad ang budget briefings sa responsableng paraan,” dagdag ni Ungab.

Pinasalamatan din ni Ungab ang iba pang kongresista na tumugon sa call of duty at tumu­long na repasohin at pag-aralan ang budget pro­posals ng iba’t ibang departamento at ahensiya ng pamahalaan para matiyak na importante at kailangan maipatupad ang kanilang mga programa at proyekto.

Ayon kay Ungab, ang kooperasyon at pagpunta sa briefings ng mga pinuno ng  government agencies at  departments ay nakatulong din para maagang matapos ang budget briefings.

Mabilis at maayos  ang naging pagtugon ng mga opisyal ng pama­halaan sa mga katanu­ngan ng mga kongresista, ani Ungab.

Ngayong araw, 9 Setyembre, nakatakdang aprobahan ng Committee on Appropriations ang Committee Report sa House Bill 4228, o ang General Appropriations Bill (GAB) na naglalaman ng proposed national budget para sa 2020.

Si Ungab ang prin­cipal author ng GAB.

Magsisimula ang sponsorship at  floor deliberations sa HB 4228 sa bukas, 10 Setyembre, ayon kay Ungab.

Ang target ng Kamara ay maipasa ang 2020 national budget bago ang congressional recess sa 4 Oktubre.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top