Thursday , October 9 2025
gun shot

Robbery holdup suspect tinodas ng ‘kakosa’

PATAY ang isang hinihinalang notoryus na holdaper at sinabing sangkot din sa ilegal na droga matapos barilin ng kanyang kakosa sa mainitang pagtatalo sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang napatay na si Greg Samson, alyas Jon-Jon, 32 anyos, ng Block 32, Lot 29 Phase 2 Area 2 Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), hindi umabot nang buhay sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tama ng bala sa dibdib.

Nadakip ng pulisya ang 13-anyos binatilyo, isa sa mga suspek, na sinabing sangkot sa insidente ng pagnanakaw sa Dagat-Dagatan area matapos dalhin ng kanyang ina sa naturang pagamutan nang tamaan ng ligaw na bala sa kanang braso.

Positibong kinilala ang binatilyo na pamangkin ng biktimang si Christopher Garcia, 18 anyos, kasama ng biktima nang maganap ang insidente dakong 12:20 am, sa Block 33, Dagat-dagatan, Brgy. NBBS.

Ayon kay Balasabas, kinilala ng binatilyo ang gunman na si Edward Sansuwi, nasa hustong gulang, ng Phase 1, Brgy. NBBS, at isang alyas Apit na pinaghahanap na ngayon ng pulisya.

“Itong menor, maraming kaso ng pagnanakaw, amo niya itong sina Jon-Jon at Edward na parehong sangkot sa mga insidente ng panghoholdap at pagbebenta ng droga,” pahayag ni Col. Balasabas.

Lumabas sa imbestigasyon, nagku­kuwen­tohan si Samson at kanyang pamangkin sa naturang lugar nang dumating si Sansuwi, kasama si Apit at ang binatilyo saka kinompronta ang biktima hinggil sa hindi umanong pantay na hatian ng kanilang pinagnakawan.

Nauwi ito sa ma­initang pag­tatalo hanggang maglabas ng baril si Sansuwi at pi­nag­babaril si Sam­son bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon kasama si Apit. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Joey Salceda

Salceda sa Bangkok Climate Talks delegates: Nahigitan pa ng  Pilipinas ang pangako nitong lumipat sa “Renewable Energy”      

IPINAGKAPURING ipinahayag ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa mga delegado sa ‘High …

PSC Elite Link

PSC at Elite Link, inilunsad ang Digital Platform para Suportahan ang mga Atletang Pilipino, Simula sa Batang Pinoy

INILUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Elite Link, Inc., ang Elite Link—isang makabagong …

SM Super Spelling Bee 2025

SM Super Spelling Bee 2025: Young Word Wizards Shine at the Grand Finals

AFTER months of grueling eliminations held across the country, the nation’s most talented young spellers …

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag - Gabu residents

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag – Gabu residents

LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadesmaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong …

bagyo

Meralco nakatutok sa epekto ng bagyong Paolo

NAKAANTABAY at handa ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na magresponde kapag nagkaaberya sa …