Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / OFW, bebot, 1 pa timbog sa P3.4-M shabu
OFW, bebot, 1 pa timbog sa P3.4-M shabu

OFW, bebot, 1 pa timbog sa P3.4-M shabu

NAHULIHAN ng 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000 milyon ang tatlo katao kabilang ang isang overseas Filipino worker (OFW)  sa isang buy bust operation sa Taguig City, nitong Sabado.

Nakapiit sa detention cell ng Taguig city police ang mga suspek na sina Joel Undong, 30, tricycle driver; Zainab Pamansag ,27, OFW, at Aiza Abdul ,29.

Base sa ulat ni Taguig police chief P/Col. Ale­xander Santos, nagkasa ng buy bust operation ang mga tau­han ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

RO-NCR at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/CMSgt. Arnaldo Pacleb, sa FTI Terminal Arca South, Western Bicutan sa Taguig City, na ikinaaresto ng mga suspek, dakong 2:30 pm.

Sinasabing magka­kasabwat ang tatlong suspek nang bentahan ng droga ang poseur buyer sa lugar.

Nakompiska sa mga suspek ang 10 selyadong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may standard drug value na P3.4 milyon.

Inihahanda ang ka­song paglabag sa Com­prehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) laban sa mga suspek. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top