Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Kuwento ng dalawang senador
Kuwento ng dalawang senador

Kuwento ng dalawang senador

If you should ever be betrayed into any of these philanthropies, do not let your left hand know what your right hand does, for it is not worth knowing.

— Matthew 6:3

 

PAREHONG bagitong senador at parehong kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit dito nagwawakas ang masasabing pagkakaperho nina Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.

Si Dela Rosa ay dating hepe ng Philippine National Police at naging director general ng Bureau of Corrections (BuCor) habang si Go nama’y isang negosyante na dating special assistant at personal adviser ni Ginoong Duterte.

Kamakailan ay umani ng batikos si Dela Rosa dahil sa kanyang komento ukol sa pagkamatay ng isang bata sa enkuwentro ng pulisya at isang kilalang drug personality, na ama ng batang biktima. Nagkomento dito ang dating PNP chief ng “shit happens” na agad namang ikinagalit ng mga magulang ng biktimang si Myca Ulpina.

Muli namang binatikos si Dela Rosa nang idipensa si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez sa pagpapalaya eito at sabihin pang ‘nagbago’ na ang dating alkalde na brutal na pumatay sa dalawang estudyante na iniregalo sa kanya sa kanyang kaarawan.

Malayong-malayo naman kay Dela Rosa si Go dahil imbes masangkot sa kontrobersiya sanhi ng mga pahayag na hindi kanais-nais sa publiko, kontento na ang kaibigan ng Pangulong Duterte sa pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan.

Kasunod ng malaking sunog sa Purok 14, Barangay Poblacion sa Initao, Misamis Oriental, sinadya ni Go ang lugar upang mamahagi ng mga pagkain at pera para sa 22 pamilyang nasunugan bago nagtuloy sa komunidad sa St. John sa Bgy. Puntod sa Cagayan de Oro para tulungan din ang mga nasunugan doon.

Ngayon, ano po ang masasabi n’yo sa dalawa nating magiting na senador?

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top