Saturday , August 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jon aminado: Marami na rin po akong sinayang na pagkakataon
Jon aminado: Marami na rin po akong sinayang na pagkakataon

Jon aminado: Marami na rin po akong sinayang na pagkakataon

SA presscon ng Marineros: Men In The Middle Of The Sea, isa sa cast si Jon Lucas at ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang umalis sa ABS-CBN 2 para lumipat sa GMA 7.

“This year din po natapos ‘yung kontrata ko sa Star Magic. Hinintay ko munang matapos, tapos nag-audition ako sa GMA 7,” sabi ni Jon.

Patuloy pa niya, “Nagsabi na rin po ako before sa rati kong handler na kapag natapos na ang kontrata ko sa Star Magic, lilipat na nga lang po ako sa GMA 7. Naisip ko po, gusto ko ng bagong tahanan. At saka bagong mind-set. Marami na rin po akong sinayang na pagkakataon sa kanila, kaya gusto ko po naman ngayon..baka iba naman ‘yung mangyari sa career ko kung lilipat ako.”

Masasabi ba niyang isang dahilan kung bakit hindi na siya nabibigyan ng project ng ABS-CBN dahil nga sa pagkakaroon niya ng anak?

“Hindi naman po sa ganoon. Never ko naman pong naisip na ganoon,” sagot ni Jon.

“Siguro, ‘yun lang, iniisip ko lang, gusto ko lang talagang lumipat ng ibang network na iba naman ‘yung mind-set natin. Na mas focus ako, mas pahahahalagaha ko lalo ‘yung trabaho ko, ganoon po.”

Bago pa man umalis sa pangangalaga ng Star Magic si Jon ay tinanggal na siya sa grupo nilang Hashtags. Kaya hindi na siya napapanood sa It’s Showtime, na regular performer ang kanilang grupo. ‘Yun nga ay sa dahilang nakabuntis siya.

’Pag naiisip ko po ‘yun, nanghihinayang po ako talaga. Kasi sobrang laking tulong po sa amin ng ‘It’s Showtime,’ eh.  ‘Pag nakikita ninyo po ‘yung mga kagrupo ko na may sasakyan, may bagong bahay, lahat po ‘yun dahil sa tulong ng ‘It’s Showtime,’ dahil sa Hashtags ‘yun. Malaking panghihinayang po na nawala ako roon, nawalan ako ng trabaho.”

Sa paglipat ni Jon sa Kapuso Network, isinama agad siya sa Pinoy adaptation na Descendents of The Sun, na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

“’Yun nga po, nagpapasalamat ako sa GMA 7 dahil malaking proyekto po agad ang ibinigay nila sa akin sa unang show ko pa lang sa kanila. Matagal ko pong pinag-pray na magkatrabaho na ulit ako, kasi kalahating taon na po akong walang trabaho.”

Puring-puri ni Jon si Dingdong bilang katrabaho.

“Hindi niya sa amin ipinararamdam na siya ‘yung Primetime King (ng GMA 7.) Tinutulungan niya po kami sa set, lalo sa training po, na talagang nakakapagod physically and mentally.”

Ang Marineros ang ika-apat na pelikulang nagawa ni Jon. May nagawa na ba siyang indie film before na nagpa-sexy siya?

“Wala pa po,” sagot ni Jon.

“Dati po, payag na payag ako na magpa-sexy sa indie, kaso wala naman pong offer na ganoon sa akin. Pero ngayon po na married na ako, tina-try ko po na iwasan.”

Martir na asawa, sunod-sunuran sa misis

Samantala, may balitang martir umanong asawa si Jon. Sunod-sunuran lang daw ito sa lahat ng gusto ng kanyang misis. How true?

“Hindi naman po ganoon. Siguro, nasa point lang ako ng buhay ko ngayon, na bumabawi sa kanila (mag-ina niya). Kasi marami po akong naging pagkukulang sa kanila, lalo na noong namatay si mommy. Medyo napabayaan ko sila ng isang buwan. So, lagi ko pa rin siyang dala-dala kahit magtu-2 years na ‘yung anak namin. Naiisip ko pa rin ‘yung mga araw na napabayaan ko sila, so, bawi ako,” paliwanag pa niya.

Ang Marineros ay mula sa direksiyon ni Anthony Hernandez. Showing na ang pelikula sa September 20.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top