Friday , May 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Breaking News / JC, wa pakels sa pagpapakita ng butt
JC, wa pakels sa pagpapakita ng butt

JC, wa pakels sa pagpapakita ng butt

HINDI masabi ni JC Santos kung magkano ang halaga ng kanyang butt nang deretsahang tinanong ko ito sa media conference ng pelikulang Open ng BlacksheepPH at T-Rex Entertainment na idinirehe ni Andoy Ranay. Katrabaho rito ni JC sina Arci Munoz, Vance Larena, at Ina Raymundo.

Ang sinabi niya lang ay wala siyang pakialam sa walang kiyeme at walang humpay na pagpapakita niya ng kanyang kahubdan sa ilang pelikulang ginawa niya. Gusto niya ang kanyang ginagawa at wala sa bokabularyo niya ang magpaka-kontrobersiyal.

In-fairness sa butt ni JC huh! Winner!

Hindi naman magpapatalbog si Arci sa pagpapaseksi sa pelikula. In-fairness kay Arci, open naman sa pagsagot sa mga tanong na ibinabato sa kanya ng press. Pero naging maboka rin siya sa pagsasabing ayaw niya ng open relationship dahil parang cheating with permission na rin iyon.

Biro pa nito na this time ay masusubukan niya rin ang ganoong relasyon huh!

Well, okey lang ‘yun dahil single naman na siya at tuluyan na ngang tinapos ang relasyon sa negosyanteng jowabels! ‘Yun na!

Ina at JC, halos nagpalitan ng bagang sa init ng halikan

ACTUALLY nainggit kami sa eksena nina Ina Raymundo at JC Santos sa pelikula. Ang pag-uusapang laplapan nila ni JC sa movie na tila nagpapalitan na sila ng bagang.

Kakaloka dahil mala-Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca ang eksena huh.

Well, talagang pinaghandaan naman ni Ina ang kanilang laplapan ni JC dahil bago sila nakapag-2 takes sa eksena ay nag-toothbrush siya dahil nakahihiya naman kapag may maamoy sila sa isa’t isa huh.

Ina exclaimed na walang nangyaring labasan ng dila ang torrid kissing scene. Ginawa lang nilang scenematic ni JC ang eksena.

‘Yun na ‘yun!

REALITY BITES
ni Dominic Rea

About Dominic Rea

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top