Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Faeldon sinibak sa tigas ng ulo hindi dahil sa korupsiyon
Faeldon sinibak sa tigas ng ulo hindi dahil sa korupsiyon

Faeldon sinibak sa tigas ng ulo hindi dahil sa korupsiyon

INILINAW ng Palasyo na sinibak si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon dahil sa pagsuway sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi sa isyu ng korupsiyon.

“The President fired him because of not following his order. In other words, sinasabi niya sa tao na pina-fire ko ‘yan dahil hindi niya ako sinunod, hindi dahil sa corruption. ‘Yun ang punto ni Presidente ,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo na ang pagsuway sa utos ni Pangulong Duterte na huwag palayain si con­victed rapist at murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez dahil sa Good Conduct Tine Allowance (GCTA) law ang sanhi ng pagsibak kay Faeldon.

Maaari pa rin ma-reappoint sa gobyerno si Faledon kung nanaiisin ni Duterte na ipagpatuloy ang paninilbihan niya sa pamahalaan.

Matatandaan, nagbi­tiw si Faeldon bilang Customs commissioner nang makalusot ang P6.4 bilyong shabu , inilipat siya sa Office of Civil Defense at itinalaga siyang BuCor chief nang kumandidatong senador si Ronald dela Rosa.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top